Bwelta ni Jean kay Alwyn: Respeto lang ang hinihingi ko sa 'yo...just saying! | Bandera

Bwelta ni Jean kay Alwyn: Respeto lang ang hinihingi ko sa ‘yo…just saying!

Ervin Santiago |June 28,2021
facebook
share this

Bwelta ni Jean kay Alwyn: Respeto lang ang hinihingi ko sa ‘yo…just saying!

Ervin Santiago - June 28, 2021 - 05:31 PM

HINDI na nagpatumpik-tumpik pa si Jean Garcia sa paglalabas ng sama ng loob laban kay Alwyn Uytingco, ang estranged husband ng anak niyang si Jennica Garcia.

Sinagot ng aktres ang Instagram post ng aktor patungkol sa pagmamahal nito kay Jennica at sa kanilang dalawang anak at ang pagnanais niyang maayos muli ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Tila hindi naman nagustuhan ni Jean ang pangdededma sa kanya ni Alwyn at ang pambabalewala nito sa kanya bilang nanay ni Jennica. 

Kaya sa isang IG post ng aktor kung saan nga sinabi nito na araw-araw niyang ipagdarasal na sana’y maging maayos na uli ang lahat sa kanilang pamilya, ay nagkomento na si Jean.

“Sana sinagot mo message ko sa ‘yo… respeto kase ‘yon bilang magulang ni Jennica. Kausapin mo kaya ako para magkaintindahan tayo! Ok ka lang ba?” simulang pambabasag ng aktres kay Alwyn.

Hirit pa ni Jean sa isang post ni Alwyn kung saan binati naman ng aktor ng “happy birthday” ang anak na si Alessi, “Di ka marunong makipag-usap Alwyn, respeto lang hinihingi ko sa ‘yo, di ka marunong rumespeto sa mother in law mo… ‘yun lang naman… just saying!”

Sa isa pang IG post ng aktor kung saan ibinahagi naman nito ang litrato ng mga anak nila ni Jennica at sinabing miss na miss na niya ang mga bata ay nag-comment uli si Jean.

“Wow (ngayon) naiisip mo mga anak mo? Tama naman ‘yan pero ‘yung heartaches ni Jennica sa ‘yo? Ok ba? Tanong lang Alwyn?” sabi ng aktres.

Sa kabila nito, nananatiling dedma si Alwyn sa mga patutsada ng kanyang mother-in-law.

Nitong nagdaang Mayo kinumpirma ni Jennica na hiwalay na sila ni Alwyn at ibinebenta na rin niya ang ilang gamit niya sa bahay dahil balak na niyang lumipat ng matitirahan kasama ang mga anak.

Ngunit mariin namang pinabulaanan ng aktres na pera ang dahilan ng paghihiwalay nilang mag-asawa at hinding-hindi rin daw siya magsasalita ng kahit ano na ikasisira ni Alwyn.

“Financial problem is not the reason. Our savings was never an issue.”

“Going back and pursuing my career as an actress is simply the wise thing for me to do in this season in my life.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I will never say anything bad about the father of my children,” diin niya.
Ikinasal ang ex-celebrity couple noong February, 2014.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending