Jean Garcia: Two weeks straight, wala akong ginawa kundi iyak lang nang iyak | Bandera

Jean Garcia: Two weeks straight, wala akong ginawa kundi iyak lang nang iyak

Ervin Santiago - September 18, 2022 - 07:47 AM

BONGGA! As in bonggacious ang career ngayon ni Jean Garcia dahil makalipas ang mahabang pamamahinga sa pag-arte, hataw naman siya ngayon sa mga teleserye ng GMA 7.

Habang naghahasik ng kasamaan sa hit primetime action-adventure series na “Lolong”, magpapaiyak naman si Jean sa latest GMA Afternoon Prime na “Nakarehas na Puso” na siyang papalit sa “The Fake Life”. 

“Nag-abot sa ere yung dalawang shows ko. So, sa gabi, kaiinisan nila ako as Donna Banzon in ‘Lolong’, then during the afternoon naman, maaawa sila sa akin sa role ko in ‘Nakarehas na Puso’ na tearjerker talaga,” kuwento ni Jean sa virtual mediacon ng upcoming Kapuso series.

Gaganap si Jean sa nasabing serye bilang si Amelia Galang, isang nanay na naaresto sa airport at nakulong matapos akusahang nag-smuggle ng cocaine sa Hongkong.

Nang makalaya sa kulungan at makauwi sa Pilipinas makalipas ang 15 taon, nalaman niyang may iba nang asawa ang mister na si Jack na ginagampanan ni Leandro Baldemor.

Ang nagbabalik-showbiz na si Michelle Aldana ang gumaganap na bagong asawa ni Leandro.

Ayon kay Jean, ibang-iba ang ipakikita niya sa “Nakarehas Na Puso”, “Dito talagang may transformation kasi mabait na ina ako na ang hangad lang, mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak niya. 

“Not only that, pinapangit ako rito. Nilagyan ng prosthetic make-up ang mukha ko. May malaking balat sa one half ng face ko at pati kilay at noo ko, binago. Tapos, nasunog pa ang mukha ko.

“Yes, medyo mahirap siyang gawin, pero magkakaroon ng twist later sa character ko at yun ang abangan n’yo. Buti na lang tapos na yung ‘Lolong’ when we started this, so I can focus na rito totally. 

View this post on Instagram

A post shared by Jean Garcia (@chic2garcia)


“E, two weeks straight, wala kaming ginagawa kundi iyak lang ako nang iyak sa mga eksena dahil sa dami ng misfortunes na dinanas ni Amelia,” paliwanag ni Jean.

Sigurado rin si Jean na maraming makaka-relate sa kuwento ng bago niyang serye bukod pa sa  inspirasyon na ihahatid nila sa manonood.

“Kasi lumalaban si Amelia, hindi siya puro api-api-api. In prison, she will try to improve her life. Nagkaroon ng transition sa buhay niya. 

“Paglaya niya, walang paghihiganti sa puso niya kundi puro love, love lang siya sa kagustuhan niyang mabuo uli ang pamilya nila,” sabi pa ng award-winning actress.

Makakasama Vaness del Moral,  Edgar Allan Guzman, Claire Castro, Ashley Sarmiento, Bryce Eusebio, Glenda Garcia, Chanel Latorre, Marnie Lapuz, Analyn Barro, Migz Cuaderno at Dang Cruz.

Ito’y sa direksyon ni Gil Tejada at mapapanood na sa GMA Afternoon Prime.

https://bandera.inquirer.net/281286/mom-ni-jean-garcia-pumanaw-sa-covid-19

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/287200/bwelta-ni-jean-kay-alwyn-respeto-lang-ang-hinihingi-ko-sa-yo-just-saying
https://bandera.inquirer.net/295872/jean-garcia-may-crptic-quote-kasabay-ng-muling-pagbabalikan-nina-jennica-at-alwyn
https://bandera.inquirer.net/295794/francine-diaz-sa-pagsali-sa-beauty-pageant-i-dont-think-its-for-me

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending