Jennica Garcia na-'ghost', bigla raw nilayuan noon ni Christian Bables, anyare?! | Bandera

Jennica Garcia na-‘ghost’, bigla raw nilayuan noon ni Christian Bables, anyare?!

Therese Arceo - August 25, 2023 - 07:54 AM

Jennica Garcia na-'ghost', bigla raw nilayuan noon ni Christian Bables, anyare?!

ISANG nakakalokang rebelasyon ang inamin ni Jennica Garcia ukol sa kanila ng kaibigang si Christian Bables.

Sa kanilang guesting sa Kapamilya morning program na “Magandang Buhay” nitong Huwebes, Agosto 24, ay napag-usapan ang kanilang magandang pagkakaibigan.

Nagsimula ang friendship nina Jennica at Christian noong una silang maging magkatrabaho noong 2016.

Unang natanong ni Melai kung ano ang naging first impression ng dalawa sa isa’t isa.

“Bago pa kasi ako noon [sa industriya]. Wala pa akong masyadong mga artista na nakakatrabaho noon pero itong si Jennica, syempre kilala ko na… Sabi ko, ‘Naku. Parang masaya ito’. Magaling kasing aktres ‘to e. Kaya na-excite ako noon na makatrabaho ikaw,” pagkukuwento ni Christian.

Singit naman ni Regine, noong mga panahon daw ba na bago pa lang silang magkatrabaho ay nag-click na sila.

“Oo e. Parang instant connection e. ‘Di ba may iba, medyo magwa-warm up ka pa doon sa tao pero kami [ni Jennica] parang bigla agad tayong naging ok,” pagpapatuloy pa ng binata.

Sey naman ng aktres, hindi niya naramdaman na bago pa lang si Christian sa industriya dahil sa galing nitong umarte.

Nausisa naman ni Momshie Jolens kung ano na ang nangyari sa kanilang pagkakaibigan mula noong 2016 at kapansin-pansin ang paghalakhak ni Jennica.

“I’d like to think na close tayo noon or nag-assume lang ba ako?” natatawang tanong ng aktres sa kaibigan.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia ipinaliwanag ang viral post na walang aircon: ‘Ilang beses na po nasisira kaya hindi ko na po pinaayos’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Close tayo nun,” sagot naman ni Christian.

Ngunit isang pasabog ang sumunod na pahayag ni Jennica pagkatapos ng sagot ni Christian.

“Kaya lang bigla ka lumayo sa akin,” rebelasyon ni Jennica na ikinagulat ng mga hosts pati na rin ng mga nasa audience.

Kaya naman agad na napatanong ang mga ito kung may “ghosting” bang nangyari sa dalawa.

“Let me explain, let me explain,” nakangiting sabi ni Christian.

“Ayusin mo ‘yung explanation. So tama nga close na nga tayo noon ‘di ba tapos bigla kang lumayo,” sey ni Jennica.

Pag-amin ni Christian, noong mga panahong ‘yon daw ay may nalaman siya.

“Paano ko ba i-eexplain sarili ko… Hindi ‘yun paglayo. Pagrespeto? Gusto kong i-lugar ‘yung sarili ko that time. Kasi ayokong makasira ng relationship,” malumanay na saad ni Christian.

Ang tinutukoy ng aktor ay ang relasyon ni Jennica sa estranged husband niyang si Alwyn Uytingco.

“So nagbigay-daan ka ganun?” tanong naman ni Jolina.

“Hindi ako nagbigay-daan kasi wala akong dapat bigyan ng daan kasi nasa kaniya yung daan. So, nilugar ko lang ‘yung sarili ko kahit na gustong-gusto kitang [Jennica] i-text non. Naalala ko, I even kept on texting you sa Viber. Oo tinry ko. Noong naramdaman ko na ‘A ok… itong taong ‘to, she wants to keep her family happy intact and healthy’.

“So kahit na ako… God as my witness, gusto ko ‘yung pure friendship na mayroon tayo pero kasi— ang hirap naman oo. May tendency kasi na kapag pinagpatuloy ko puwedeng [mahulog]… pero that was during that time, 2016 way back 2016,” amin ni Christian na ikinagulat naman ni Jennica.

Noong mga panahon na ‘yun ay pinili raw ng akror na itago at huwag na lang ipaalam sa kaibigan ang nararamdaman.

Gulat na gulat pa rin si Jennica sa naging rebelasyon ni Christian sa mismong morning show.

“Sobrang love ko po talaga ‘to [Christian]. Tapos ‘yung love ko po para sa kanya — paano ko ba ie-explain? Hindi ko pala kaya… Nagulat kasi ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Si Christian, gusto ko siyang makasama sa buhay ko, sa buhay namin ng family ko nang sobrang sobrabg tagal at para sa akin, ‘yung ganoong katagal na panahon, masisigurado ko lang ‘yun kung mapapanatili naming maging matalik na magkaibigan kaming dalawa kaya iniingatan ko rin po talaga ‘yung friendship namin,” mahabang paliwanag ni Jennica.

Makalipas ng ilang taon ay muling nagkasama at nagkatrabaho ang dalawa sa series na “Dirty Linen”.

Related Chika:
Christian Bables never nakipagbardagulan sa bashers, pero apektado ba ang lovelife kapag natsitsismis na bading?

Jennica Garcia nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Christian; bakit galit na galit si Jean nang magtrabaho siya bilang medical officer?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending