Jennica Garcia hindi magbabago ang tingin sa pamilya ni Alwyn Uytingco kahit hiwalay na sila | Bandera

Jennica Garcia hindi magbabago ang tingin sa pamilya ni Alwyn Uytingco kahit hiwalay na sila

Therese Arceo |February 04,2023
facebook
share this

Jennica Garcia hindi magbabago ang tingin sa pamilya ni Alwyn Uytingco kahit hiwalay na sila

Therese Arceo - February 04, 2023 - 03:21 PM

Jennica Garcia hindi magbabago ang tingin sa pamilya ni Alwyn Uytingco kahit hiwalay na sila

IBINAHAGI ng aktres na si Jennica Garcia na sa kabila ng paghihiwalay nila ng kapwa aktor na si Alwyn Uytingco ay mananatili pa ring kapamilya ang turing niya sa pamilya nito.

Sa kanyang panayam kay Jhai Ho ay sinagot nito ang dahilan kung bakit ayaw niyang pag-usapan ang mga detalye ng naging paghihiwalay nila.

“Wala rin naman kasi akong masasagot talaga kasi regarding sa past relationship ko, marriage ko from the past, I don’t think darating ‘yung araw na magiging bukas ako sa isang open interview para pag-usapan kung bakit ito natapos, kung anong nangyari, out of respect na rin kay Alwyn and his family,” kuwento ni Jennica.

Dagdag pa niya, ayaw niyang dumating sa puntong hindi na niya kayang matignan ang ina ni Alwyn na si Mama Liza.

“Ayokong dumating ‘yung araw na hindi ako makakatingin sa mata niya dahil may nasabi akong hindi maganda patungkol sa anak niya,” saad pa ni Jennica.

Nabanggit nga niya sa kanilang pag-uusap na talagang hiwalay na sila at umiiwas na lang rin siyang mapag-usapan ito.

Lahad pa ni Jennica, “Natapos man ‘yung marriage namin, hindi naman sila kasama doon. Kumbaga, in my mind, they will always be family. It’s just that, hindi na kami mag-asawa ni Alwyn.”

Chika pa niya, hindi niya masyadong binabanggit ang pangalan ni Alwyn dahil nakakaramdam ito ng kaba sa tuwing maitatanong ito sa kanya ng press.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica 🦋 (@jennicagarciaph)

Sinabi rin niya na magdadalawang taon na rin buhat nang tuluyan siyang maging single parent.

“Hindi na po talaga kami mag-asawa. Feeling ko maraming magugulat pero ang tagal na po. Magdadalawang taon na po. Hindi siya bago. Nagkataon lang na hindi po ako nagsasalita about it… Kasi gusto ko rin talaga, moving forward , huwag na lang siyang pag-usapan pa. Hindi na rin naman iisa ang buhay naming dalawa ngayon kasi, we are not romantically linked with each other,” pag-amin ni Jennica.

Matatandaang naganap ang secret wedding nila ni Alwyn noong February 2014 at matapos nga ang pitong taong pagsasama ay tuluyan na silang naghiwalay.

Related Chika:
Jennica Garcia, Alwyn Uytingco hiwalay na nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jennica Garcia, Alwyn Uytingco magkakabalikan na ba?

Alwyn tuloy ang panliligaw kay Jennica: Patawad sa lahat ng pagkakamali ko, babangon ako mahal

Alwyn gumawa ng tula para sa 32nd birthday ni Jennica: Wala akong kapangyarihan para angkinin ka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending