Alwyn tuloy ang panliligaw kay Jennica: Patawad sa lahat ng pagkakamali ko, babangon ako mahal | Bandera

Alwyn tuloy ang panliligaw kay Jennica: Patawad sa lahat ng pagkakamali ko, babangon ako mahal

Reggee Bonoan |June 29,2021
facebook
share this

Alwyn tuloy ang panliligaw kay Jennica: Patawad sa lahat ng pagkakamali ko, babangon ako mahal

Reggee Bonoan - June 29, 2021 - 04:21 PM

SA pamamagitan ng social media  nililigawan ni Alwyn Uytingco ang asawang si Jennica Garcia. Dito niya ibinabandera na mahal na mahal pa rin niya ang asawa at ang kanilang mga anak.

Inamin ng aktor na naligaw siya ng landas at umaasang mapapatawad siya ng ina ng mga anak balang araw.

Ipinost ni Alwyn ang happy days nila ni Jennica habang kumakain kung saan ang gaganda at ang sasarap pa ng mga tawa nila at hindi mo aakalaing mauuwi rin sila sa hiwalayan.

Ang caption ni Alwyn sa kanyang Instagram post, “Mahal kita, @jennicauytingco. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Patawad sa lahat ng pagkakamali ko. Di mahalaga kung ano sabihin nila ang mahalaga para sakin ay mga salita na manggagaling sa’yo. 

“Natalisod man ako, hindi ko hahayaan na nandito lang ako. Babangon ako, mahal. At patuloy na babagtas patungo sa’yo. Mahal na mahal kita,” sabi ng aktor.

Natutuwa kaming basahin ang mga komento ng netizens dahil pabor silang magbalikan ang mag-asawa at ‘yung iba ay ipagdarasal pa raw na sana’y magkaayos na sila.

Ayon kay @itisbygrace1214, “I pray for healing and restoration for your family.”

Sabi naman ni @sadeya_k, “Please still love her don’t divorce .”

Push lang daw nang push sabi ni @imkhand, “I understand you Alwyn, sometimes the enemy will really make a way to distract your God-centered family. (John 10:10) Pero Push lang, ipaglaban mo si Jen! Matthew 19:6. God bless sa inyo.”

Naka-relate naman si @vanessajeanvillasor sa sitwasyon ng dalawa, “Mahirap eh earn ulit un trust pag nasira ito it will takes time to heal but I do believe if hindi ka gi-give up lalaban ka uli para makuha mo uli ung asawa mo walang impossible its not too late for you to have a chance all of us deserves to be forgiven it takes time to heal lG.”

“Laban lang @alwynzky, pray to God this world is not perfect we are not perfect based in my experience if you still have a chance and time pra mabuo family mo go wag kang sumuko coz in my situation right now malaki pag sisi ko sa past ko kong bkt hndi ko iyon ipinaglaban pero ganon tlga kami wla kaming anak ng 7 yrs first bf ko kaya tinanggap ko nlg na he is just a temporary person at wla ng chances for us pero kayo ni Jennica meron pa dhl may anak kayo mas masarap mamuhay nabuo ang family Godbless alwyn.”

Siniip namin ang IG account ni Jennica pero wala siyang reaksyon sa mga post ng asawa. Binanggit niya sa isang post na nag-aaral siya ngayon ng kursong Psychology through online.

Aniya, “Good morning! I am not sure if I’ve shared it to you all before but I am Positive Psychology student. All my classes are done online. When I don’t have taping, I make sure that I have 10 hours (the very least) to focus on studying so that I get to submit my works on time.

“When I have taping, I review past lectures between breaks as soon as I’ve already memorized my script for Las Hermanas. Are you like me? In your 30’s but still studying? AYOS LANG YAN! Kaya natin ito. We will one day reap what we sow. Aja!”

At ngayong araw ay muling nag-post ang aktres ng larawan niya at ng kanyang lunch. Nagsabi pa siya sa kanyang inang si Jean Garcia na hindi na niya isosoli ang damit na hiniram.

“Nag lunch na po kayo? Kain po tayo! Mama thank you for letting me borrow your clothes. Akin na lang ito mama stripes na red tsaka ‘yung Zara na grey and black. ‘Yung hiram pero di na isosoli. Ma, the rest babalik ko. Itong tatlo lang hindi po. @chic2garcia.”

Hmmm, kaya siguro idinadaan ni Alwyn ang panliligaw niya sa social media ay dahil sapantaha namin ay nakatira si Jennica sa bahay ng ina kaya hindi siya makadalaw. At kaya pala nagagalit sa kanya si Jean ay dahil hindi niya ito kinakausap.

Anyway, napansing blooming si Jennica ngayon ni @bonitaelyo80 pero pinayuhan niya pa rin ang aktres na sana’y magkaayos na sila ni Alwyn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Though mas ok buo ang pamilya. But looking you parang mas maayos ka single minsan di rin masama ang piliin ang sarili kay sa pagmamahal na gusto natin galing sa ibang tao but then nasa sa’yo pa rin ang choice.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending