Jennica hiyang-hiya, hindi kilala ni Direk Cathy: Uwi na 'ko!

Jennica hiyang-hiya, hindi pala kilala ni Direk Cathy: Uwi na ‘ko!

Ervin Santiago - October 22, 2024 - 06:00 AM

Jennica hiyang-hiya, hindi pala kilala ni Direk Cathy: Bawal kang sabaw!

Jennica Garcia, Kathryn Bernardo, Alden Richards, Cathy Garcia at Joross Gamboa

HIYANG-HIYA ang Kapamilya actress na si Jennica Garcia nang mag-dialogue raw si Cathy Garcia-Sampana na hindi siya kilala ng blockbuster director.

Naikuwento ito ni Jennica sa naganap na grand mediacon ng pelikulang “Hello, Love, Again” na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Tawa nang tawa ang anak ni Jean Garcia habang ibinabahagi sa harap ng entertainment media ang naging experience niya nang una silang magkita ni Direk Cathy sa shooting ng “HLA”.

Aminado si Jennica na matinding kaba at pressure ang naramdaman niya nang malamang makakasama siya sa part 2 ng blockbuster hit movie ng KathDen na “Hello, Love, Again”.

Baka Bet Mo: Sa wakas…Barbie nagsalita na tungkol sa tsismis sa kanila ni Daniel; hiyang-hiya kay Kathryn

Pag-alala ng aktres, may isa pa siyang project ba ginagawa noong i-offer sa kanya ang pelikula kaya kapag tinanggap niya ito ay siguradong wala na siyang oras na magpahinga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ngunit dahil sa ganda ng project at first time niyang makakatrabaho sina Kathryn at Alden pati nasi Direk Cathy, tinanggap niya ang hamon.

“Inisip ko bawal kang ‘sabaw’ kasi Direk Cathy ‘to. Parang sobrang blessing na napasama ka pa diyan,” sey ng aktres sa presscon ng “HLA”.

Talagang inipon daw ni Jennica ang lahat ng lakas ng loob sa unang pagkikita nila ng blockbuster director para mawala ang matinding hiya na nararamdaman niya.

Sey pa niya sa sarili, hindi naman daw siguro papayag ang direktor na mapasama siya sa cast kung hindi ito naniniwala sa kanyang kakayahan bilang aktres.

“Ang unang linya sa akin ni Direk Cathy, ‘Anak pasensiya ka na hindi kasi kita kilala.’ Oohhhh!” sey ni Jennica sabay tawa. Sabi raw niya nu’ng mga oras na yun, “Uuwi na ‘ko sa Pilipinas! Paano matanggal yung hiya ko nito.”

Pero nang lumaon ay nawala rin ang kaba at hiya ng aktres, “Yung presence of mind mo dapat talaga nandoon kasi mabilis. Kapag may ibinigay na instruction, makinig ka talaga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pagkatapos magsalita ni Jennica ay nagpaliwanag naman si Direk Cathy tungkol sa sinabi ni Jennica na hindi niya ito kilala.

“Gusto ko lang i-qualify yung hindi kita kilala. What I meant was hindi ko kilala ang acting capabilities mo (hindi pa sila nagkakatrabaho). I dont know kung funny ba siya, dramatic actress, can she do comedy. So I really have no idea.

“So I was wacthing her. At that time hindi ko pa alam, hindi ko pa alam ang gagawin ko sa kaniya. We develop the character as we went along cause I don’t know how much she can do it,” paglilinaw pa ng direktor.

Sabi pa ni Direk Cathy, abangan daw ng mga manonood ang karakter ni Jennica sa “Hello, Love, Again” dahil ibang-iba raw ito sa nakikita sa kanya ng publiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na sa mga sinehan nationwide ang reunion movie nina Kathryn ay Alden simula sa November 13.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending