Direk Cathy naloka sa KathDen: Nagkakainan sa kuwarto, kainis!

Direk Cathy naloka sa KathDen, buking: Nagkakainan sa kuwarto, kainis!

Ervin Santiago - October 18, 2024 - 10:46 AM

Direk Cathy naloka sa KathDen, buking: Nagkakainan sa kuwarto, kainis!

SUPER laugh ang members ng entertainment press sa pambubuking ni Cathy Garcia-Sampana kina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa grand mediacon ng “Hello, Love, Again.”

Naganap ang world media day para sa upcoming movie ng KathDen under ABS-CBN Studios, Star Cinema at GMA Pictures kahapon, October 17, sa Dolphy Theater.

Napag-usapan nga rito kung gaano na ka-close ngayon sina Alden at Kathryn, after two months ng kanilang pagsasama sa shooting ng kanilang bagong pelikula na inaasahang mangwawasak na naman ng record sa kasaysayan ng Philippine movie industry.

Inamin ni Direk Cathy na totoong mas nahirapan siya ngayon sa pagbuo ng “HLA” kesa sa part 1 nitong “Hello, Love, Goodbye”.

Sey ng blockbuster director, mas naging malapit na raw kasi ngayon sina Alden at Kathryn, “Medyo humirap kasi sinabihan mo ‘wag mag-usap, pagtingin ko nagkakainan ‘yung dalawa doon sa kuwarto, kainis!

Baka Bet Mo: KathDen kumasa sa ‘rate your closeness’ challenge, magkaiba ang sagot

“Ay, ang pangit ba nu’ng nagkakainan? Sorry, sorry! Erase! Hoy, ako kasi ang linis ng isip ko. Kayo, ang ano n’yo!” ang natatawang paglilinaw ng direktor.

Patuloy ng paliwanag ni Direk Cathy, “Kasi ang bigat nu’ng eksena, talagang ang instruction ko, walang kakausap kay Alden tapos si Kath naman, in fairness, hindi naman niya kinakausap.

“Except nu’ng break, pagdaan ko, nasa sahig kumakain sila ng adobo ata or something, lechon kawali. Tapos iniisip ko, magagalit ba ako?

“Sige regalo ko na lang doon sa dalawa na may makausap kasi pitong oras na nga silang puro talagang…sobrang makabagbag-damdamin,” aniya pa.

Dugtong pa niya, may tiwala na rin sa isa’t isa ang KathDen, “Dito sa part two, the trust was there. It was very evident, it was so clear.

“Beyond the friendship that I saw, kasi given na siya, e, may tiwala sila sa isa’t isa, and I admire both of them that they support each other so much na kahit nakatalikod, inuubos ‘yung luha,” sey pa ni Direk Cathy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Super pasalamat naman sina Alden at Kath sa mga papuring ibinigay sa kanila ni Direk Cathy pati na rin ang iba pa nilang kasamahan sa pelikula.

Showing na sa lahat ng sinehan sa buong bansa ang “Hello, Love, Again” simula November 13. Kasama rin sa movie sina Joross Gamboa, Jennica Garcia, Valerie Concepcion, Joebert Austria at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending