Direk Cathy Garcia Molina natupad na ang pangarap na mapasama ang pelikula sa MMFF
NAKASABAY namin sa pagpasok ng Novotel Hotel sa Araneta Centers, Cubao Quezon City si Direk Cathy Garcia Molina, in house director ng Star Cinema/ABS CBN Films Production para dumalo sa 47th Metro Manila Film Festival nitong Biyernes ng hapon.
Inanunsyo ang walong pelikula na mapapanood sa MMFF simula sa December 25 na magtatapos sa January 7, 2022 at isa ang pelikulang “Love at First Stream” na si direk Cathy ang direktor ng mga rising stars ng ABS-CBN sa pangunguna nina Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner at Anthony Jennings.
Inamin ng direktora na maraming challenges para sa kanya nang i-shoot nila ang pelikula.
“Kasi pandemya, you have to make everyone safe, e, hirap na hirap ako ng may mask (suot) kasi alam mo naman na kapag nagdi-direk ako kita bibig ko.
“I tell them what to do and how to do it (minumuwestra ang gagawin ng artista), so, nagtatanggal naman ako ng mask as needed
“Tapos the ulan, surprisingly in October maulan tapos 4:20 (hapon) wala na kaming araw so ang hirap ng day effect.
“Tapos nagkaroon ng changes sa cast and merong mga nagpa-positive (COVID 19). Buti na lang ‘yung mga nagpa-positive false positive kaya hindi tumuluy-tuloy.
“Natitigil for a while hanggang sa igo-go ulit ng LGU and we’ve following protocols. So, ano naman safe naman lahat. Marami-maraming naging challenges, so thank you talaga (natapos ang pelikula),” kuwento ni direk Cathy.
Si Jeremiah ang pumalit sa original cast na si Rhys Miguel na umalis sa movie due to personal matter base ito sa pahayag ng batang aktor.
Sabi naman ni direk Cathy na nagulat siya, “it wasn’t his decision but the decision of everybody for the good for everyone.”
View this post on Instagram
Sa ilang dekada nang nagdi-direk si direk Cathy at pawang hits ang mga pelikula niya sa takilya ay ngayon lang pala siya nagkaroon ng entry sa Metro Manila Film Festival.
Sa madaling salita ay hindi isinasali sa MMFF ang mg pelikula niya?
“Hindi po! Medyo matagal na akong naglalambing na parang gusto ko bago ako mag-retire na maka-MMFF ako. Hindi nati-tiyempo ang schedule kaya excited ako,” kinilig na sabi ng direktora.
Hirit namin na baka kaya hindi nasasama ang mga pelikula niya ay dahil kapag MMFF ay limitado ang araw ng pagpapalabas nito.
“Siguro po,” kaswal nitong sagot.
Anyway, naka-book na si direk Cathy kasama ang mga anak at pamilya para magbakasyon ngayong Pasko pero dahil kasama nga ang “Love at First Stream” sa MMFF ay obligado siyang sumakay ng float.
“Oo nga, out of town lang naman, pina-move ko na sa New year kasi may ganito pala,” saad nito.
Muli naming tinanong kung ilang pelikula pa ang nakatakdang gawin ni direk Cathy sa Star Cinema bago siya mag retiro.
“Actually, ‘yung retirement ko wala namang date pa kaya lang namimili na lang ako ng projects ko, kinokontian ko para mas may time pa sa family at saka ‘yung edad ko, magpi-fifty na ako, birthday na ako sa end of the month (November 28). Golden girl na ako this year kaya hinay-hinay na sa puyat,” pahayag nito.
At ang planong magma-migrate siya sa New Zealand ay tuloy pa rin at hindi naman nawawala pa ito sa isipan niya.
“Iyon pa rin ang pangarap ng mga anak ko at pangarap ko sa pagtanda ko,” kaswal nitong sabi.
Related Chika:
May sama ba ng loob si Direk Cathy Garcia kina John Lloyd at Bea?
Cathy Molina iniwan na nga ba ang ABS-CBN at Star Cinema dahil kay Willie?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.