Cathy Molina iniwan na nga ba ang ABS-CBN at Star Cinema dahil kay Willie? | Bandera

Cathy Molina iniwan na nga ba ang ABS-CBN at Star Cinema dahil kay Willie?

Reggee Bonoan |May 30,2021
facebook
share this

Cathy Molina iniwan na nga ba ang ABS-CBN at Star Cinema dahil kay Willie?

Reggee Bonoan - May 30, 2021 - 03:18 PM

HINDI totoong wala na si Direk Cathy Garcia-Molina sa ABS-CBN o Star Cinema matapos niyang idirek ang TV commercial ni Willie Revillame para sa isang online shopping app na napapanood ngayon sa GMA 7.

Sa “Wowowin” episode noong Mayo 27 ay ikinuwento ni Willie na may gagawin siyang TVC at dahil puwede naman siyang mag-request kung sino ang gusto niyang magdirek ay pinagbigyan naman siya.

“I just want to thank all the (staff) kasi sa totoo lang sa kontratang pinirmahan ko, sabi ko kung puwede akong gumawa ng commercial na concept ko and I can choose my director and staff. In fairness, napakadali nilang kausap.

“Siyempre bilang endorser hindi ka ba papayag na maging maganda ang commercial mo? Kaya I chose the best director in the world kasi laging box office, si direktor Cathy Garcia Molina, maraming, salamat po,” say ng TV host.

Ipinakita ni Willie sa programa niya ang behind the scenes shoot ng bago niyang TVC na kinunan mismo sa Palawan kung saan nag-viral ang larawang magkakasama sila nina direk Bobot Mortiz, Bobet Vidanes, John Lloyd Cruz at direk Cathy.

Ang nabanggit na dalawang direktor ay parehong wala na sa ABS-CBN at si Lloydie naman ay wala na ring kontrata at programa sa nasabing TV network.

Kaya naisip ng ibang nakapanood ng “Wowowin” ay wala na rin si direk Cathy sa ABS-CBN at sa Star Cinema.

Base sa palitan namin ng mensahe ng direktora, “Hindi po totoong wala na ako, may kontrata po ako sa kanila (Star Cinema).”

Binanggit naming napanood kasi sa GMA ang behind the scenes ng ginawa niyang TVC ni Willie. Base rin sa nakausap naming executive ng Star Cinema ay okay lang gumawa ng TVC sa labas ang kanilang in-house director.

At ito rin naman ang katwiran sa amin ni direk Cathy, “Hindi po ako gagawa ng movie sa labas unless co-prod po ng Star Cinema.”

May gagawing pelikula sina Bea Alonzo at Alden Richards na ipo-produce ng Viva Films at GMA Pictures mula sa direksyon ni Nuel Naval.

Wala nang kontrata si Bea sa ABS-CBN at wala na rin siya sa Star Magic katulad ni John Lloyd kaya tinanong namin si direk Cathy kung makakagawa pa ba ng pelikula ang dalawa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Opo, possible naman po ang JL-Bea,” kaswal nitong sagot.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending