May sama ba ng loob si Direk Cathy Garcia kina John Lloyd at Bea? | Bandera

May sama ba ng loob si Direk Cathy Garcia kina John Lloyd at Bea?

Reggee Bonoan |July 05,2021
facebook
share this

May sama ba ng loob si Direk Cathy Garcia kina John Lloyd at Bea?

Reggee Bonoan - July 05, 2021 - 02:14 PM

Bea Alonzo, Cathy Garcia Molina, and John Lloyd Cruz

NANG huli naming makapalitan ng mensahe si Direk Cathy Garcia Molina ay sinabi niyang may posiblidad na matuloy pa rin ang balik-tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, palilipasin lang nila ang COVID-19 pandemic.

Ito ay kahit na gagawa ng pelikula si Bea sa GMA Pictures with Alden Richards na co-produced ng Viva Films at APT Entertainment.

Katwiran kasi ni direk Cathy sa amin as long as under Star Cinema okay sa kanyang idirek pa rin sina John Lloyd at Bea.

Pero ngayong totally nasa GMA 7 na si Bea with TV contract ay nabago na ang sagot ng mega blockbuster director nang muli namin siyang tanungin isang araw pagkatapos pumirma ng aktres sa Kapuso network.

“Ako po as their director hindi na.  Pero parang tuloy po with a different director,” diretsong sabi ni Direk Cathy.

Sundot na tanong namin kung may tampo ba siya kay Bea, “Wala po.  I respect their choices (John Lloyd at Bea).”

Biro pa namin sa kanya, tuluyan nang nawala sina Popoy at Basha sa Kapamilya network.

“Ha-hahaha! Hindi naman pang-forever ‘yan (smiling face emoji),” sambit ni direk Cathy.

Hirit namin, ‘Pero may lamat na.” “May glue naman,” birong sagot niya sa amin.

Samantala, ilang beses nang na-guest ang cast ng “One More Chance” at “Second Chance” minus John Lloyd sa Nickl Entertainment YouTube channel ni direk Cathy at ang saya-saya nilang binabalikan ang mga nakaraan nila.

Abala kasi sa shooting ng pelikula noon si Lloydie sa Palawan kaya hindi siya naka-join.

Sa tanong namin kung nakakausap pa rin ng direktor sina Popoy at Basha at sana’y i-guest ulit sila sa YT niya, “Si Lloydie baka schedule na lang inaayos,” sagot sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hmmmm, so malabo na nga si Bea. Putol na ba ang ugnayan nila ni direk Cathy?

Ah, baka kasi magiging busy na ang aktres at siyempre iba na ang prayoridad niya ngayon dahil sa bago niyang tahanan saka may sarili rin na siyang YT channel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending