Cathy Garcia-Molina pumalag sa pag-unfollow kay Daniel Padilla

Cathy Garcia-Molina pumalag sa pag-unfollow kay Daniel Padilla

Therese Arceo |November 22,2023
facebook
share this

Cathy Garcia-Molina pumalag sa pag-unfollow kay Daniel Padilla

Therese Arceo - November 22, 2023 - 06:16 PM

Cathy Garcia-Molina pumalag sa pag-unfollow kay Daniel Padilla

Direk Cathy Garcia-Molina, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla

NAGSALITA na ang batikang direktor na si Direk Cathy Garcia-Molina sa mga kumakalat na chika na diumano’y in-unfollow niya sa Instagram si Daniel Padilla.

Isang TikTok video kasi ang kumakalat ngayon kalakip ang mga screenshots ng diumano’y pag-unfollow ng direktor kay Daniel sa gitna ng kasagsagang isyung hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.

Ngayong Miyerkules, November 22, naglabas ng pahayag si Direk Cathy hinggil sa mga kumakalat na screenshots na nagdadawit ng kanyang pangalan sa isyu.

“Mga bakla huwag niyo na po ako idamay dito. Wala talaga kayong makikitang supremo dj sa followed ko kasi hindi ko naman siya fina-follow noon pa,” lahad ni Direk Cathy.

Paliwanag pa niya, hindi raw niya alam kung ano ang totoong account ng Kapamilya actor.

Dagdag pa ni Direk Cathy, “Di ko alam totoong account niya kasi. 20 nga lang fina follow ko e. Noon pa. Kaya Huwag na po nating gawing issue. Wala nga akong alam inangkupo.”

Ilang linggo na ring pinag-uusapan ng mga “Marites” sa social media kung ano na nga ba ang tunay na estado ng relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Baka Bet Mo: Direk Cathy Garcia-Molina natupad na ang pangarap na mapasama ang pelikula sa MMFF

Ngunit sa kabila ng mga ingay at pagkuwestiyon ng madlang netizens ay nananatiling walang sagot ang dalawa hinggil sa isyu.

Kaya naman hindi maiwasan ng iba na bantayan ang mga Instagram accounts ng mga celebrities at personalidad na malapit sa dalawa at kabilang na nga rito si Direk Cathy.

Aware naman ang lahat na ilang pelikula at mga serye na rin ng KathNiel ang kanyang nai-direk. Ilan sa mga ito ay “The Hows Of Us”, “La Luna Sanggre”, “Got To Believe”, “She’s Dating A Gangster”, at “Pangako Sa ‘Yo”.

Marami naman sa mga KathNiel supporters ang nagkomento sa Instagram post ni Direk Cathy. Karamihan sa kanila ay nagpapasalamat dahil sa pagbibigay linaw hinggil sa isyu.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kaybash1326 (@kaybash1326)

“Thank you, Direk Cathy,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Hahaha direk napaka Defensive n’yo po naintndihan po namin lab u!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinagot naman ito ni Direk Cathy at sinabing “e kasi naman po, pareho kong lab yun. Huwag na gawan issue. Saka hindi ko fina-follow si Dj kasi di naman ma-post yun e. Alam niya yun. Hehe.”

“Direeeek pati ikaw dinamay nila kaluka na talaga haha kakatawa,” sey naman ng isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending