Daniel Padilla handang sundan ang yapak nina Rommel, Robin

Daniel Padilla handang sundan ang yapak ng ama na si Rommel, tiyuhin na si Robin

Pauline del Rosario |November 16,2023
facebook
share this

Daniel Padilla handang sundan ang yapak ng ama na si Rommel, tiyuhin na si Robin

Pauline del Rosario - November 16, 2023 - 10:46 AM

Daniel Padilla handang sundan ang yapak ng ama na si Rommel, tiyuhin na si Robin: ‘It’s about time that I do action!’

PHOTO: Instagram/@supremo_dp

HANDA nang maging action star ang aktor na si Daniel Padilla.

‘Yan ang sinabi mismo ni Daniel matapos siyang tanungin ng ilang entertainment press tungkol sa kanyang pagsabak sa action roles ngayong nakatuon siya sa kanyang solo career.

Ayon sa kanya, nais na niyang sundan ang yapak ng kanyang ama na si Rommel at tiyuhin na si Robin.

Si Daniel ay nakilala at madalas bumida sa romantic film at TV projects na katambal ang real-life partner niya na si Kathryn Bernardo.

Paglilinaw ng aktor, hindi naman niya iniwasan noon ang paggawa ng action projects dahil sa tingin niya ay hindi pa ‘yun ang tamang oras.

“I just felt it wasn’t my time yet. I’ve tried doing it in ‘La Luna Sangre’ [in 2017] and I enjoyed it,” sagot niya sa ilang reporters sa sa isang event kamakailan lang.

Baka Bet Mo: Ruru Madrid puring-puri ng mga pambatong action stars sa Pinas: ‘Sobrang starstruck po talaga ako sa kanilang lahat!’

At speaking of “La Luna Sangre,” ibinunyag ni Daniel na muli niyang makakatrabaho si Richard Gutierrez at excited na raw siya.

“That will happen soon, I just know. We would always discuss it whenever we would bump into each other. We had a fun time doing ‘La Luna,’ that’s why,” chika niya.

Sey pa niya, “I think working on something action-related with Chard would be exciting. I like working with him. As long as the project is good, the story is good, I don’t see why we can’t do it.”

Wala pang detalye si Daniel kung kailan mangyayari ang collab nila Richard, dahil puno pa raw ang schedule niya kung saan sunod-sunod ang pelikula niyang gagawin.

Magugunitang nagpahinga nang saglit si Daniel sa showbiz industry at social media noong unang bahagi ng 2023.

Nauna na rin niyang kinumpirma na walang project sila ni Kathryn sa darating na taong 2024.

Ayon sa Kapamilya actor, kailangan na muna niyang matapos ang tatlong upcoming movies niya.

Kabilang na riyan ang pelikulang “Kamatayan” na mula sa direksyon ni Dan Villegas na sisimulan nang gawing ngayong buwan, at ang proyekto na makakasama niya ang Venice Best Actor na si John Arcilla.

Related Chika:

Andrea handa na nga bang sumabak sa pagpapaseksi ngayong 18 na?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vhong isa sa mga artistang natulungan ni Willie; lamang-loob ng manok ang handa sa birthday

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending