Vhong isa sa mga artistang natulungan ni Willie; lamang-loob ng manok ang handa sa birthday | Bandera

Vhong isa sa mga artistang natulungan ni Willie; lamang-loob ng manok ang handa sa birthday

Reggee Bonoan |January 30,2022
facebook
share this

Vhong isa sa mga artistang natulungan ni Willie; lamang-loob ng manok ang handa sa birthday

Reggee Bonoan - January 30, 2022 - 06:18 PM

Willie Revillame at Vhong Navarro

ANG suwerte ng mga taong tinawagan ni Willie Revillame noong mismong araw ng kaarawan niya, Enero 27 sa programang “Wowowin: Tutok to Win”.

Binigyan niya kasi ang bawat isa sa mga ito ng tumataginting na P100,000.

Dati ay P30,000 to 50,000 ang ipinamimigay niya araw-araw at dahil nga birthday niya kaya sinabi ni Willie na dodoblehin niya ang P50,000 na kanyang ibibigay sa 10 tao na tatawagan niya.

Ito’y kapag daw umabot sa 50,000 ang nanonood nang live sa Facebook account ng kanyang programa sa GMA 7.

At nang umabot na sa mahigit 50,000 ang live viewers sa FB page ng “Wowowin” ay tig-P100,000 nga ang kanyang ipinamigay sa mga masusuwerteng viewers na natawagan.

Siyempre hindi lang si Willie ang namahagi ng malaking halaga sa manonood dahil may mga kaibigan din ang TV host sa showbiz na bumati rin sa kanya tulad nina John Lloyd Cruz at Coco Martin.

Bukod sa pagbati ay muling nagpasalamat si Lloydie kay Willie na naging dahilan para makabalik siya sa telebisyon via GMA 7.

Nagpasalamat din si Vhong Navarro sa “Wowowin” host pero hindi na siya nagsabi kung ano ang tulong na iyon, “May mga pagkakataon na nagbibigay ka ng tulong na kahit hindi hinihingi sa ‘yo at isa ako sa naka-experience nu’n.”

At hindi naman nakaligtaan ng GMA bosses na batiin ang host ng isa sa money maker show nila tulad nina Ms. Annette Gozon-Valdes, Joey Abacan, Mr. Felipe Yalong at Mr. Johnny Manahan.  

Hindi rin nakalimot ang executives ng Shopee at siyempre ang kaibigan din ni Willie na si Sen. Bong Go.

View this post on Instagram

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)


Samantala, naikuwento naman ni Nanay Cristy Fermin sa kanyang “Cristy Ferminute” online show kasama si Romel Chika na mga lamang-loob ng manok ang handa ni Willie na siya mismo ang nag-ihaw.

Ayon kay Nay Cristy ay paborito ni Willie ang isaw, hanggang ngayong bilyonaryo na siya ay ito pa rin ang mahilig niyang pinapapak.  

May ibang handa naman daw ang TV host sa kanyang Tagaytay homes para sa “Wowowin” staff  pero hindi nga nawala ang isaw.

Nabanggit pa ng batikang manunulat na sa Mang Larrys Isawan sa loob ng UP campus dinadala ni Willie ang ex-girlfriend niyang news anchor na si Cheryl Cosim para sa kanilang dinner date.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay walang karelasyon si Willie dahil abala siya sa mga negosyo niya, sa mga anak niya at apo niya. Kapag may libreng oras siya ay kinukumusta niya ang mga ito bago mag-show.

Kris bagsak ang katawan, atras muna sa pasabog: Inakalang handa na akong magsalita, pero…

Andrea handa na nga bang sumabak sa pagpapaseksi ngayong 18 na?

Basher tinuruan ng leksyon ni Vice: You’re a bad example to the Christian nation!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending