Direk Cathy nasa Canada, nagre-ready sa sequel ng ‘Hello Love Goodbye’?
ILANG araw na palang nasa Canada sina Direk Cathy Garcia-Sampana at team niya sa Star Cinema para mag-ocular para sa pelikulang gagawin nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Ito ang sitsit sa amin ng aming source dahil sa Canada nga kukunan ang pelikula na ibabase ito sa ending ng “Hello Love Goodbye” ng KathDen noong 2019 na kinunan naman sa Hongkong.
Si Kathryn ang pupunta ng Canada after ng Hongkong work niya at malamang na susundan siya roon ni Alden.
Nabanggit din ng aming source na maraming producers na ang naga-atubiling sumali sa 50th year ng Metro Manila Film Festival na ipalalabas sa Disyembre dahil malakas nga raw ang tambalang KathDen base na rin ito sa unang pelikula nilang “Hello Love Goodbye” na kumita ng P880 million.
Maraming followers ang KathDen lalo na ngayong single na si Kathryn dahil botong-boto na sila kay Alden na kapalit ni Daniel Padilla sa puso ng aktres kaya’t sure ball na ang Star Cinema nab aka maungusan n anito ang kinita ng 2023 MMFF entry nilang “Rewind” na as of this writing ay kumita ng P902 million.
Baka Bet Mo: Direk Cathy sa cast ng My Papa Pi: Challenge silang patahimikin, napakaingay kapag nagsama-sama
View this post on Instagram
Ipinalalabas pa kasi sa iba’t ibang bansa ang pelikula nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kaya posibleng madagdagan pa ang P902M.
Going back to direk Cathy na nag-ocular nga sa Canada ay may pruweba dahil binisita nila ang dating staff ng Star Cinema na doon nan aka-base ngayon, si Anilyn Tuco na isang caregiver na at may sariling bahay sa Calgary, Canada kasama ang buong pamilta.
Sakto nag-post si Anylin ng larawang kasama nila si direk Cathy ngayong araw at ang caption niya sa mga larawan nila.
“My Visitors from Philippines Direk Cathy Molina and Direk Carmi Raymundo With Leo from Star Cinema Thank you guys for the short visit in my home sweet home.”
Anyway, magkakaalaman kung saang lugar sa Canada ang shoot ng HLG2 at kung tama ang sitsit sa amin na sa Hulyo ang shooting in time for summer.
Dagdag pa naming napag-usapan ng aming source kung sino ang puwedeng itapat sa KathDen para naman hindi masolo ng Star Cinema ang kita sa 2024 MMFF.
“Dapat may John Lloyd (Cruz) at Bea (Alonzo) kasi sila lang ang malakas din ang tambalan o kaya John Lloyd at Sarah G (Geronimo-Guidicelli).
“Dapat may Vice Ganda para sa comedy, sobrang na-miss ng mga bata si Vice kaya dapat may entry din siya,” say sa amin na sumang-ayon din kami.
Bukod sa rom-com at comedy ay tiyak na kikita rin ang horror films kaya abangers na kung anong entry ang isa-submit ng mga kilalang producers na taun-taon ay sumasali sa Metro Manila Film Festival.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.