Alden natakot tumanggap ng movie project nang maging ‘highest-grossing Filipino film of all time’ ang ‘Hello Love Goodbye’ nila ni Kathryn
TAKOT na takot ang Asi’s Milton Star na si Alden Richards na tumanggap ng mga bagong movie project dahil sa tagumpay ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye.”
Ang nasabing pelikula ang may hawak ng record bilang highest-grossing Filipino film of all time na kumita ng mahigit sa P880.6 million.
Aminado si Alden na talagang matindi ang pressure na nararamdaman niya ngayong nalalapit na ang paglalabas ng upcoming movie niya with Julia Montes, ang “Five Breakups and a Romance.”
Natanong ang Pambansang Bae sa panayam ng “24 Oras” last Friday kung may nararamdaman ba siyang pressure sa first movie nila ni Julia together pagkatapos ng tinamasang tagumpay ng pelikula nila ni Kathryn.
“I was fearful, you know, coming from the success of ‘Hello, Love, Goodbye’ siyempre, it broke records,” pag-amin ni Alden.
Aniya pa, “Natakot po ako to accept projects in terms of movies kasi lalo pa’t ‘yung pagtingin ko sa details ng gagawing projects is medyo, of course, tumaas din ‘yung standards ko.”
Baka Bet Mo: Xian Lim umaming extra challenge maidirek si Kim Chiu, walang isyu kung makipaghalikan sa pelikula na iba ang partner
Sey naman ni Julia talagang tinanong niya ang sarili at si Alden kung bakit sa dinami-rami ng aktres sa Pilipinas ay siya ang napili for this project. Isa rin kasi ang aktor sa producer ng pelikula.
View this post on Instagram
“’Yung time na before dumating ‘yung project, that’s my question also sa sarili ko po, ano bang gusto kong gawin? Ano pa bang kaya kong gawin? Kasi hindi talaga ako nagta-trust sa kaya kong gawin,” ani Julia.
“So with this project, first time ko pong napa-oo agad ng parang wala nang isip-isip,” dugtong pa niya.
Samantala, nagbahagi naman ng advice si Julia para sa lahat ng mga nasa long-term relationship, “Sa isang long-term relationship, hindi lang naman nagko-consist ng isang away, iba-ibang level of away and it depends lang talaga sa couple kung lalaban ba sila hanggang dulo.”
“Actually, that’s the part of the question from the film e. Ang dalawang nagmamahal, hanggang kailan ba sila lalaban o kailan ba sila susuko sa isa’t isa,” lahad ng aktres.
Ang “Five Breakups and a Romance” ay mula sa panulat at direksyon ni Irene Villamor. Bukod sa nasabing pelikula, bibida rin si Alden sa Metro Manila Film Festival 2023 entry na “A Mother and Son’s Story” kasama si Sharon Cuneta.
Kilalang aktor ayaw nang tumanggap ng supporting role kahit malaki ang talent fee, pero…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.