Kilalang aktor ayaw nang tumanggap ng supporting role kahit malaki ang talent fee, pero... | Bandera

Kilalang aktor ayaw nang tumanggap ng supporting role kahit malaki ang talent fee, pero…

Reggee Bonoan - February 10, 2022 - 06:13 PM

Mahulaan n’yo kaya kung sino siya?

MEDYO may attitude ang aktor na bida sa blind item natin. Sa tuwing inaalok kasi siya ng project ay lagi siyang tumatanggi kapag hindi siya ang bida.

Ang katwiran niya ay nagbida na siya at ayaw na niyang tumanggap ng supporting character dahil baka raw bumalik pa siya sa mga ganu’ng klase ng role, e, nakalaya na raw siya mula roon.

Okay naman umarte si aktor at tsinek namin kung ilang pelikula na ang nagawa niya na siya ang bida at nalaman namin na wala pa palang 10 na at halos lahat ay hindi naman gaanong kumita.

Masuwerte na kung naka-break even ang mga producer niya kasi nga bukod sa mahal na ang mga location ay mahal din ang leading ladies niya.

Okay naman talagang umarte ang aktor, ‘yun nga lang hindi kami natatawa kapag nagpapatawa siya kasi parang hard sell. O, baka lang kasi hindi namin type ang istilo niya dahil bentang-benta naman siya sa iba.

Heto na, may producer na gusto siyang kunin pero tumanggi ang aktor kahit malaki pa ang offer na talent fee.  

Matagal na siyang walang work at kailangan niyang kumayod dahil may pamilya siyang kailangang buhayin dahil may anak na siya.

At dahil need ng work, heto na, tumanggap ng supporting role kaya gulat na gulat ang mga director na tinanggihan niya noon pati na ang ilang artistang alam ang kuwento tungkol sa kanya.

Ang naisip na rason ng aktor kaya siya tumanggap ng supporting role ay ,“Tatanggi pa ba ako, e, super sikat si _____ (lead actor). Dream ko rin siyang makasama sa project.”

Nabanggit pa sa amin na ang layo ng ugali ng aktor na ito sa isa pang aktor na ilang beses na ring naging lead actor at kumita ang mga pelikula pero hanggang ngayon ay tumatanggap ng supporting role.

Ang katwiran niya kaya hindi siya tumatanggi ay, “Trabaho pa rin yan kahit na hindi ka bida. Bawal tumanggi sa grasya dahil hindi naman laging may offer lalo na sa panahon ng pandemya.”

Going back sa aktor na bida sa blind natin, natatawa na lang kami sa tuwing nakikita namin ang project niya kung saan pumayag siyang maging support uli para lang makasama ang sikat na aktor.

https://bandera.inquirer.net/298031/xian-gaza-biglang-kambyo-sa-pasabog-na-blind-item-diego-barbie-dedma-lang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/304825/barbie-inaming-hiwalay-na-sila-ni-diego-baka-kaya-paulit-ulit-na-nangyayari-ito-kasi-hindi-ko-talaga-minamahal-ang-sarili-ko
https://bandera.inquirer.net/297444/joshua-charlie-nag-iingat-sa-social-media-takot-nga-bang-magkaroon-ng-viral-scandal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending