Xian Lim pasadong direktor ng comedy film na 'Hello, Universe', Janno pinatunayang may magic pa rin sa drama at komedya | Bandera

Xian Lim pasadong direktor ng comedy film na ‘Hello, Universe’, Janno pinatunayang may magic pa rin sa drama at komedya

Reggee Bonoan - January 24, 2023 - 11:49 AM

Xian Lim pasadong direktor ng comedy film na 'Hello, Universe', Janno pinatunayang may magic pa rin sa drama at komedya

Janno Gibbs, Anjo Yllana, Xian Lim at ang iba pang cast member ng ‘Hello, Universe’

BAGO namin sulatin ang balitang ito ay ni-research muna namin kung pang-ilang pelikula na ang “Hello, Universe” na idinirek ng aktor na si Xian Lim at base sa Wikipedia ay first film niya ito, talaga ba?

Sa pagkakaalam kasi namin ay ikalawang pelikula na ito ni Xian na siya ang nagdirek, ang una ay ang “Tabon” na nakasali pa sa Cinemalaya 2019.

Pero para sa isang baguhan pa rin sa pagdidirek ay nakagugulat ngang mapanood ang “Hello, Universe” dahil hindi halatang bagong direktor dahil maayos, technically malinis pati editing, naku knowing Xian na perfectionist for sure ilang araw siyang nakabantay sa editing.

Sana lang bagong istorya o kuwento dahil ilang beses na rin naming napanood ang mga joke o linyahan sa pelikula pero nakakatawa pa rin naman para sa mga nanood sa premiere night kagabi.

Magagaling ang mga artista ni Xian dahil mga batikan na talaga sila pagdating sa comedy tulad ng tambalang Janno Gibbs at Anjo Yllana, isinama pa sina Benjie Paras, Gene Padilla, ang produkto ng “PBB” na si Joe Vargas na noon pa ay comedy na ang linya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alexander Xian Lim Uy (@xianlimm)


Okay naman si Maui Taylor pero siguro mas maganda kung binigyan siya ng nakakatawang mga linya habang si Sunshine Guimary naman ang nagbigay ng sexy sa flavor, ganern!

May special participation naman si Gab Lagman bilang player ng basketball na nakalaban ng team Destino ni Janno? Kung totoong siya ‘yung nakaka-shoot ng three points ay ang galing-galing niya, huh?

Parang mas type namin siyang panooring naglalaro kaysa nagdadrama dahil kulang siya sa facial expression.

Type namin ang ilang cameo role ni Xian sa pelikula na bumagay din naman. Hmmm…idolo kaya ng aktor-direktor ang mga kilalang Hollywood directors na sina Woody Allen, Francis Ford Coppola, Clint Eastwood, Martin Scorsese, Edgar Wright, Charlie Chaplin, Martin Scorsese, Alfred Hitchcock at Quentin Tarantino na madalas ding lumalabas sa mga pelikula nila.

Gusto namin ang moral ng story na makuntento ka kung anong mayroon ka ngayon at kung may gusto ka pang maabot ay pagsumikapan mo.

Huwag manlalamang ng kapwa o gagawa ng hindi maganda at matutong magpasalamat sa lahat ng blessings na nagmumula sa Panginoong Diyos.

Minsan kasi ay nakalilimot tayo na hindi tayo marunong magpasalamat bagkus ay puro tayo hiling at pag hindi naibibigay kaagad ay gumagawa ng hindi naaayon sa kagustuhan ng Diyos.

Samantala, sa ginanap na premiere night ng “Hello, Universe” ay nakakatuwa ang dalawang nagmamahal kay Janno, siyempre ang daddy niyang si Lolo Sir, Ronaldo Valdez para suportahan ang anak.

Ang “Small Brother” ni Janno na si Ogie Alcasid ay dumalo rin dahil ipinagmamalaki raw sa kanya ng kaibigan na magaling at maganda ang role niya sa “Hello, Universe,” “Sabi niya magaling siya dito kaya gusto kong mapanood at suportahan siya.”

Habang kumukuha kami ng mga larawan ng cast sa ginanap na premiere night ay naririnig naming nagtatanungan ang mga vlogger ng, “Darating kaya si Kim Chiu para suportahan si direk Xian?”

Napalingon kami at napaisip din kung darating nga ba si Kim. Pero naisip namin na baka hindi pinayagan ng ABS-CBN or sinadyang hindi na pumunta ng TV host-actress para hindi siya makaagaw ng atensyon at ibigay niya ang gabing iyon para sa buong cast ng “Hello, Universe” at siyempre sa boyfriend niyang direktor.

Mapapanood na ang “Hello, Universe” bukas, Enero 25 sa mga sinehan mula sa Viva Films.

Xian, Kim gustong gumawa ng romcom movie sa ibang bansa: We met each other there, we fell in love there, too…

Gigi kay Gerald: Nakita kong natural talaga sa kanya yung pagiging sweet

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Liza, Enrique muntik nang bumida sa ‘Hello, Love, Goodbye’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending