Liza, Enrique muntik nang bumida sa ‘Hello, Love, Goodbye’
ISINIWALAT ng ABS-CBN Films managing director Olivia Lamasan sa kanyang interview kay Toni Gonzaga na sina Liza Soberano at Enrique Gil ang dapat na bibida sa hit movie na “Hello, Love, Goodbye”.
“Yung Hello, Love, Goodbye originally LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) iyan eh. And then it became Kathryn (Bernardo) and DJ (Padilla), and then Kathryn and Alden (Richards),” saad ng direktor.
Ayon kay Direk Olive, hindi raw kinaya ni Liza ang “Hello, Love, Goodbye” dahil kasabay nito ang pagganap niya sa ABS-CBN adaptation ng superhero comic book series na “Darna”.
Sa kasamaang palad ay kinakailangan ring iwan ni Liza ang “Darna” nang magkaroon ito ng finger injury noong 2019.
“Liza was doing Darna that time so I gathered the creatives, ‘Sige, isip-isip tayo,” pag-alala ni Direk Olive.
“Patayo na ako and biglang pak! What’s our next ‘Milan’? What’s our next ‘Anak’? What’s our next OFW story? What if there’s this girl goes to Hong Kong blah blah blah.’ Tapos nagsisisigaw na si Carmi, nagdugtong dugtong na, nabuo na namin ang kuwento. That’s it.” paglalahad pa ni Direk Olive.
At doon na nga nagsimulang mabuo ang istorya ng “Hello, Love, Goodbye” na naging unang collaboration nina Kathryn at Alden na mula sa magka-ibang network— ABS-CBN ay GMA.
Ito ay kuwento ng isang domestic helper na si Joy (Kathryn) at ng isang bartender (Alden) na parehas na nagtatrabaho sa Hong Kong na hindi inaakala na ma-i-inlove sa isa’t isa sa kabila ng magkaibang plano para sa kanilang kinabukasan.
Kumita ng MAHIGIT P880 million “Hello, Love, Goodbye”. Ito rin ang highest-grossing Filipino film of all time noong 2019.
“Meron akong mga ganyan. Minsan may mga divine inspiration na bigla lang pumapasok, concepts, stories, bigla lang pumapasok. Sometimes, I would have those under the shower, biglang may concept. Or minsan kapag nakikipag-usap ako, bigla lang pak, ‘yun na.” kuwento pa niya.
Karagdagang ulat:
Liza naging mas matapang at palaban dahil kina Pia, Angel at Anne
Jak Roberto natakot nang ialok sa kanya ang ‘Never Say Goodbye’: Mabigyan ko kaya siya ng hustisya?
Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.