Liza naging mas matapang at palaban dahil kina Pia, Angel at Anne Bandera

Liza naging mas matapang at palaban dahil kina Pia, Angel at Anne

Ervin Santiago |July 14,2021
share this

Liza naging mas matapang at palaban dahil kina Pia, Angel at Anne

Ervin Santiago July 14, 2021 - 08:59 AM

MALAKI ang naging impluwensiya nina Pia Wurtzbach, Angel Locsin at Anne Curtis sa personal na buhay ni Liza Soberano.

Inamin ng Kapamilya young actress na bata pa lamang siya ay talagang inilalabas na niya kung ano ang tunay niyang nararamdaman at hindi siya yung tipo ng tao na basta na lang tatahimik kapag alam niyang nasa tama at katwiran siya.

Talagang ipaglalaban daw niya kung ano ang kanyang pinaniniwalaan at paninindigan ang mga bagay na alam niyang makatarungan.

Ngunit ayon kay Liza, mas pinipili niya noon na huwag nang masyadong maglabas ng kanyang saloobin sa kanyang mga past public interviews.

“I was always the type to speak up if I felt like there are injustices happening. 

“But that wasn’t something that I showed in my career or in showbiz because I saw at an early age how vicious people can be when you speak up,” pahayag ng dalaga sa pakikipagchikahan niya sa mga beauty queens na sina Pia, Bianca Guidotti at Carla Lizardo para sa kanilang “Between Us Queens” podcast.

Sabi ni Liza, kung minsan daw kasi ay nami-misinterpret ng madlang pipol ang mga sinasabi niya sa mga interview at mas pagkakataon din na naiiba ang dating sa publiko ng mga panayam sa kanya sa nais niyang sabihin.

“I’ve experienced people twisting my words and taking it the wrong way because sometimes I have a hard time explaining myself, especially if I have to speak in Tagalog,” sabi pa ng girlfriend ni Enrique Gil.

Kaya aniya, may mga pagkakataon na talagang hindi na lang siya naglalabas ng kanyang opinyon, “Especially when it comes to sensitive topics even though I always knew I wanted to say something deep inside.”

Ngunit mas naging open daw siya at na-inspire na ibandera ang kanyang mga pananaw at paniniwala nang dahil kina Pia, Angel at Anne, lalo na noong kasagsagan ng issue franchise renewal ng ABS-CBN.

“Last year, with everything that was going on, I felt more empowered honestly. A lot of them started speaking up. 

“When I saw that courage coming from them, it inspired me to speak up. It made me even braver so I have all of them to thank to because they kind of opened up that door for me,” pahayag ni Liza.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending