Tanong ni Julia kay Alden nang kunin siyang leading lady sa ‘Five Breakups and A Romance’: ‘Bakit ako? Bakit sa akin ka tumaya?’
DIRETSAHANG tinanong ng Kapamilya actress na si Julia Montes kung bakit siya ang napili ni Alden Richards na maging leading lady sa pelikulang “Five Breakups and a Romance.”
Isa ang Asia’s Multimedia Star sa mga producer ng nasabing pelikula (para sa kanyang MYRIAD Corporation), at si Julia nga raw ang first choice niya para unang sabak niya sa movie production.
Sa intimate conversation ng dalawa sa isang online exclusive video, natanong nga ni Julia si Alden kung ano ang mga dahilan ng pagpili nito sa kanya para makasama niya sa “Five Breakups and a Romance.”
“Ako, sinasabi ko rin every time na ini-interview ako na, ang tanong ko, bakit ako? So, itatanong ko sa ‘yo, bakit ako?” ang diretsong pag-uusisa ni Julia kay Alden.
Baka Bet Mo: Heart ‘super happy’ na kasama si Chiz sa Paris Fashion Week: Nakatulong siya na maging masaya ako with my work
Patuloy na pahayag ng aktres, “Siyempre, at first, alam mo ito na nag-produce ka rin, risk ‘yun for you kasi hindi birong mag-produce.
“Bagong tinatahak mo ‘yun, and coming from the past works na nagawa mo, siyempre may pressure, nandoon, hindi maalis, ‘di ba? Bakit sa akin ka pa nagtaya (tumaya o sumugal)?” Hirit pa ni Julia.
View this post on Instagram
Ayon kay Alden, una pa lang ay naniwala na siyang si Julia ang perfect na aktres para sa role kahit pa hindi pa sila nagkikita at nagkakausap tungkol sa proyekto.
“Why you? I told you, gut feel, and it felt so right, e. Noong hindi ko pa nakikita si Juls, daming fears, daming questions. I only know you sa surface mo,” simulang pagbabahagi ng Kapuso star.
Aniya pa, “I think everything happens for a reason. Si Lord, binigyan tayo ng mga opportunities sa buhay because kailangan siyang mangyari sa buhay natin, and this was meant to happen.
“This was meant to happen. I have no regrets, not even a single regret,” dugtong ng Pambansang Bae.
Ang “Five Breakups and a Romance” ay mula sa panulat at direksyon ni Irene Villamor, at mapapanood na sa mga sinehan ngayong 2023.
Barbie Imperial hindi na ‘wasak’ ang puso sa breakup nila ni Diego, pwede na uling magdyowa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.