Julia, Janine, PBB Gen 11 sumugod sa ‘Bida Kapamilya’ event sa Taguig
PINANGUNAHAN nina Julia Montes, Janine Gutierrez at “PBB Gen 11” housemates ang pagpapasaya sa mga fans sa sunod-sunod na pasabog ng Bida Kapamilya event sa Taguig bago matapos ang 2024.
Ayon kay Julia, masayang makita at marinig ang hiyawan ng fans na sumusuporta rin sa kanyang pagbabalik teleserye sa “Saving Grace” na nangunguna ngayon sa Prime Video.
“Iba yung pakiramdam na makita sila in person lalo pa ako na hindi ako ma-online. Ito yung mas na-appreciate ko yung effort na pumunta sila at nag-antay sila. Yung bonding nila shinare sa amin. Napaka-unforgettable talaga at yun yung regalo nila para sa aming mga artista,” sabi ng aktres.
Ayon kay Janine, ang Bida Kapamilya ay nagbibigay ng pagkakataon para sa mga artista na magpasalamat sa mga manonood ng ABS-CBN lalo na ang kanyang serye na “Lavender Fields” na hindi nawawala sa listahan ng most watched shows ng Netflix Philippines at iWanTFC.
Baka Bet Mo: Janine proud GF ni Jericho: Sobrang mapagmahal, super maalaga
“Sobrang mahalaga nito para sa amin kasi syempre gusto namin makita yung mga Kapamilya. Para harap-harapan kaming magpasalamat at mapakita yung pagmamahal namin sa kanila.
“Sobrang hirap bumiyahe sa ganitong events kaya nagpapasalamat kami sa lahat na nagpupursigeng makisaya sa atin,” sabi pa ng “Lavender Fields” lead star.
Hindi naman makapaniwala sina Fyang, at kasama niyang housemates na sina JM Ibarra, Kai Montinola, Kolette Madelo, Dingdong Bahan, Patrick Ramirez, JP Cabrera, Jas Dudley Scales, Therese Villamor, Joli Alferez, and Jan Silva sa mainit na suporta na natatanggap nila sa bawat Bida Kapamilya event.
Bukod sa PBB housemates, nakisaya rin sa event ang “Saving Grace” stars na sina PJ Endrinal , Emilio Daez, at Jennica Garcia at “Lavender Fields” stars Krystal Mejes, Miguel Vergara, Marc Santiago at Jana Agoncillo. Ayon nga sa security ng mall ay umabot sa lampas 10,000 fans ang dumagsa sa event.
Abangan kung saan pa susunod na pupunta ang “Bida Kapamilya” sa kanilang patuloy na pag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Huwag ding palampasin ang bawat episode ng mga programa ng ABS-CBN Studios na “FPJ’s Batang Quiapo,” “Lavender Fields,” at “Pamilya Sagrado” tuwing weekday at “ASAP Natin ‘To” tuwing weekend sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (YouTube and Facebook), A2Z, at TV5.
Makisaya naman tuwing tanghali sa panonood ng “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (YouTube and Facebook), A2Z, GMA, at GTV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.