Janine ayaw munang magkontrabida after ng Lavender Fields

Janine ayaw munang magkontrabida after Lavender Fields: Ang sakit sa ulo!

Ervin Santiago - January 07, 2025 - 12:51 PM

Janine ayaw munang magkontrabida after Lavender Fields: Ang sakit sa ulo!

Janine Gutierrez at JERICHO ROSALES

“AYOKO na! Ang sakit-sakit po talaga sa ulo!” ang pag-amin ni Janine Gutierrez nang tanungin kung magtutuluy-tuloy na ba ang pagganap niya bilang kontrabida.

Nakausap ng BANDERA at ilang piling miyembro ng showbiz media ang Kapamilya actress sa finale mediacon ng serye nilang “Lavender Fields” na 2 linggo na lang mapapanood sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Kung siya ang tatanungin ngayon, hindi na raw uli magkokontrabida si Janine  lalo na kung kasing hirap at kasing intense pa rin ng karakter niya sa “Lavender Fields” bilang si Iris.

Pero in fairness, talagang puro papuri ang natatanggap niya mula sa mga manonood sa bawat episode ng serye, lalo na ang pagbabardagulan at bugbugan nila ni Jodi Sta. Maria.

Baka Bet Mo: Pamilya ni Janine botong-boto kay Jericho, lovelife ‘best gift of 2024’

“Ayoko na. Ang sakit-sakit po talaga sa ulo. Parang umaakyat lahat ng galit sa ulo ko kapag umuuwi ako,” pahayag ni Janine

“Pero sobrang na-appreciate ko talaga kapag may nagsasabing ang ganda niyang kontrabida na sa mga unang araw (ng shooting namin) ay napapagalitan pa ako,” pagbabahagi ng girlfriend ni Jericho Rosales na kasama rin niya sa “Lavender Fields.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sobrang challenging siya. I salute all the amazing kontrabidas of the Philippines kasi ang hirap! Ang hirap to portray a role na dapat kamuhian ka, pero at the same time, lahat naman ng ginagawa ng kontrabida may rason, di ba?” dagdag ni Janine.

At para tuluyan siyang maka-detach kay Iris, nagpagupit ng hair ang dalaga, “Nu’ng na-pack up kami, siguro mga three days na parang sobrang nalulungkot ako. Sabi ko, ano ba nangyayari sa akin? Na kay Iris pa din ako.

“Parang I really felt bad for her. Kahit kontrabida siya, kinailangan kong intindihin kung bakit siya ganu’n. So for me, in my head, si Iris talaga ‘yung tama. Naawa ako sa kanya, so nagpagupit ako, short hair,” sabi pa ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa nalalapit ngang pagtatapos ng kanilang serye, “I’m so excited. Nagbi-binge-watch na ako para makahabol ako sa bagong episodes ng ‘Lavender Fields’ kasi pati kami, we really look forward to seeing the final output, kung paano lalabas sa TV at sa Netflix. So excited ako.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending