Promise ni Coco kay Julia: Ako na bahala sa 'yo, arbor na kita!

Promise ni Coco kay Julia Montes: Ako na bahala sa ‘yo, arbor na kita!

Ervin Santiago - December 30, 2024 - 12:15 AM

Promise ni Coco kay Julia Montes: Ako na bahala sa 'yo, arbor na kita!

Coco Martin at Julia Montes

SA WAKAS, naging bukas na sa publiko ang celebrity couple na sina Coco Martin at Julia Montes tungkol sa mga nangyayari sa kanilang personal life.

Maraming rebelasyon sina Coco at Julia hinggil sa ilang taon na rin nilang relasyon at sa mga pinagdaraanan nilang challenges bilang partners in life.

Napanood namin ang isang TikTok video na ipinost sa account na @thecocojularchive kung saan idinetalye ni Coco kung gaano na kalalim ngayon ang relasyon nila ni Julia.

Ayon sa Kapamilya Teleserye King, more than mag-partner pa ang turingan nila sa isa’t isa. Solid na solid na raw kasi ang foundation ng kanilang relationship.

Baka Bet Mo: Coco bilyonaryo na, bibili ng bahay sa Spain para sa kanila ni Julia

“Almost every night at sa umaga pagkagising ko, kapag may naiisip ako na idea, sasabihin ko sa kanya, magkakape kami, magkukuwento ako sa kanya.

“Minsan, paggabi, talagang dadaldalin ko yan, pag may pictorial, ipapakita ko kagaad sa kanya, ipagyayabang ko. Talagang all details kinukuwento ko sa kanya.

“Masarap na sini-share mo sa partner mo kung anong nangyayari sa buhay mo,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Mula pa noon ay nagsusuportahan na ang celebrity couple at sabay na inaabot ang kanilang mga pangarap sa kanilang respective career.

Patuloy ni Coco, “Sa buhay, kailangan ang hinahanap mo, partner sa lahat ng ginagawa. At kung meron akong pupuntahan, parang feeling ko hindi ako maligaya pag hindi kami magkasama.

“Para bang may nami-miss aka gawin na sana kasama ko si Julia. Kung nandito ako (ibang lugar) ‘Sana magkasama kami, sana nakikita niya rin to.’ Which is hindi madali. Matagal na proseso,” dugtong na chika pa ni Coco.

“Pero ngayon, dahan-dahan nagagawa na namin pag nag-out of the country kami or out of town,” saad pa ng premyadong aktor.

Pagbabahagi pa ni Coco sa estado ng pagsasama nila ni Julia ngayon, “Masaya kasi yung mga pangarap namin sa buhay dahil dahan-dahan, paunti-unti, nakakamit namin na magkasama kami at nagtutulungan.

“Iba yung pakiramdam na alam mo na meron kang partner na alam mong sinusuportahan, inaalagaan ka,” sey ni Coco.

Reaksyon naman ni Julia, “Totoo yung ang sarap sa pakiramdam makahanap ng best friend mo. Meron ka kasama.

“May mahihingahan ka. May makakausap ka. Iyon siya sa akin. Ang suwerte ko lang na siya ang best friend ko,” sabi ng aktres na bida sa Metro Manila Film Festival 2024 entry na “Topakk” kasama si Arjo Atayde.

Patuloy ni Julia, “Hindi na ako nahirapan harapin lahat ng struggles or humps sa buhay kasi meron ngang nagga-guide sa akin.

“Kasi ang dami na niyang pinagdaanan. Nai-impart niya yung learnings niya na huwag ko na pagdaanan. Ang sarap ng ganu’n,” ani Julia na 14 years ang agwat ng edad kay Coco.

Agree naman si Coco sa sinabi ni Julia, “Ako yung naging tatay, kuya, kaibigan, best friend niya. Ang ikinaganda kay Juls, pati sa pagsasamahan namin, nakikinig siya sa akin.

“And then, ako rin naman sa kanya. Kapag siya nag-a-advice sa akin kung anong nakikita niya, give and take.

“Ang ikinaganda sa aming dalawa, walang competition. Talagang kung anong maitutulong namin sa isa’t isa, ano yung maa-advice namin,” saad pa ni Coco.

Kuwento pa ng lead star ng hit Kapamilya series na “FPJ’s Batang Quiapo”, “May mga pagkakataon pag si Juls walang teleserye, walang pelikula na ginagawa, pinag-aaral (culinary) ko siya.”

“Ang pangarap ko sa kanya maka-graduate pa rin siya ng college. Dahan-dahan lang.

“Ako na bahala sa pagtatrabaho. Basta gusto ko, siya matupad niya yung dreams niya. Gusto ko lahat ng pinagtatrabahuan niya, lahat ng kinikita niya, gusto ko sa kanya.

“Gusto ko mabigay mo yung pangarap ng lola mo, ng pamilya mo para sa kanila. Kasi ako, kaya ko na sarili ko,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Promise pa ni Coco kay Julia, “Ako na bahala sa yo. Arbor na kita. Bilang lalaki, ako yun. Responsibilidad ko yun.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending