Charlie nailang sa kissing scene nila ni Carlo sa 'Third World Romance': 'First time kong makakahalikan ‘yung tunay kong boyfriend sa eksena' | Bandera

Charlie nailang sa kissing scene nila ni Carlo sa ‘Third World Romance’: ‘First time kong makakahalikan ‘yung tunay kong boyfriend sa eksena’

Ervin Santiago |August 07,2023
facebook
share this

Charlie nailang sa kissing scene nila ni Carlo sa ‘Third World Romance’: ‘First time kong makakahalikan ‘yung tunay kong boyfriend sa eksena’

Ervin Santiago - August 07, 2023 - 07:47 AM

Charlie nailang sa kissing scene nila ni Carlo sa 'Third World Romance': 'First time kong makakahalikan ‘yung tunay kong boyfriend sa eksena'

Charlie Dizon at Carlo Aquino

GAME na game na sinagot ng celebrity couple na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon ang mga personal questions ng ilang members ng entertainment media tungkol sa kanilang relasyon.

Very obvious na super happy ang dalawa sa piling ng isa’t isa nang humarap sila sa presscon para sa bago nilang movie, ang “Third World Romance” directed by Dwein Ruedas Baltazar.

In fairness, mas open na sila ngayon sa pagbabahagi sa publiko ng kanilang relasyon.

Sa katunayan, sweetness overload ang magdyowa habang nakikipagchikahan sa mga showbiz editor at reporter sa naganap na mediacon para sa kanilang first movie together.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa tanong kung ano ang pakiramdam nila na mas open na sila sa publiko ngayon, sagot ni Charlie, “Masaya pero hindi naman talaga namin tinatago ‘yung relasyon naming dalawa.

“Nagkataon lang na may sabay kaming project together kaya nakita n’yo kami na magkasama now. Tinanong n’yo kami at sinagot naman namin ang tanong n’yo,” sey pa ng aktres na napapanood din sa Kapamilya series na “Pira-pirasong Paraiso.”

Hirit naman ni Carlo, “Nakita n’yo ba ‘yung tawa niya, ‘yun na ‘yun. Basta happy siya happy na rin ako.”

Inamin din ng aktor na siya talaga ang unang nagparamdam na gusto niya si Charlie. Unang-una raw sa mga rason kung bakit na-in love siya sa dalaga ay  dahil sa smile at tawa nito.

Baka Bet Mo: Carlo nakiusap sa bashers nila ni Charlie: ‘May mga taong naninira… sana respeto na lang’

At nagsimula raw mabuo ang kanilang love story nang gawin nila ang “Third World Romance” kaya talagang magiging bahagi na ng kanilang pagsasama bilang couple ang kauna-unahan nilang movie together.

Sa tanong naman kay Charlie kung ano ang nagustuhan niya kay Carlo, “Maalaga kasi si Carlo at very gentleman. Minsan nga ay may eksena ako napakabigat, nagulat na lang ako na nagpadala siya ng softdrink sa akin para tumaas ang energy ko at magawa ko ang mabigat na eksena na yun.

“Alam na kasi niya kung paano mawawala yung mga ganu’ng nararamdaman ko, kilala na niya ako kumbaga pagdating sa mga bagay na ganu’n,” aniya pa.

May pagkakataon din daw na sumama ang loob ng dalaga kay Carlo habang nasa shooting sila. Akala raw kasi niya ay mauuna nang umalis ang aktor kahit hindi pa tapos ang kanyang eksena.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)


Pero nalaman niya after na inayos lang pala ni Carlo ang mga gamit niya para pagkatapos ng kanyang mga eksena ay agad na silang makakauwi. Nag-sorry naman daw si Charlie sa kanyang boyfriend.

Kinumusta rin ng press ang mga ginawang kissing scenes nina Charlie at Carlo sa “Third World Romance”, at aminado ang dalaga na medyo na-awkward siya sa mga nasabing eksena.

“Opo, medyo nailang ako kasi first time ko pong makakahalikan ‘yung tunay kong boyfriend sa isang eksena. Mabuti naman at nagawa namin nang maayos,” sey ni Charlie.

Para naman kay Carlo, may mga kissing scenes na raw siya sa kanyang past projects pero siyempre, iba rin daw yung feeling na kahalikan niya sa harap ng camera ang kanyang girlfriend.

Showing na sa darating na August 16 ang “Third World Romance” na siyang magiging closing film sa Cinemalaya Film Festival 2023 sa August 12. Makakasama rin dito sina Ana Abad Santos, Gardo Versoza, Archi Adamos, Iyah Mina, Esnyr Ranollo, Xilhouete, Brian Black, Lady Morgana, Junjun Quintana, at Donna Cariaga.

Alden, Julia may halikan at love scene sa ‘Five Break-ups And A Romance’; ipaparamdam ang hugot na, ‘Love is a very complicated thing’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden kay Julia: ‘Isa siya sa mga naka-partner ko na walang pretensions, nararamdaman ko ang sincerity’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending