Carlo Aquino sigurado nang si Charlie Dizon ang 'the one'; umaming inaatake rin ng anxiety, depresyon | Bandera

Carlo Aquino sigurado nang si Charlie Dizon ang ‘the one’; umaming inaatake rin ng anxiety, depresyon

Ervin Santiago |April 04,2023
facebook
share this

Carlo Aquino sigurado nang si Charlie Dizon ang ‘the one’; umaming inaatake rin ng anxiety, depresyon

Ervin Santiago - April 04, 2023 - 06:47 AM

Carlo Aquino sigurado nang si Charlie Dizon ang 'the one'; umaming inaatake rin ng anxiety, depresyon

Carlo Aquino at Charlie Dizon

HINDI alam ng nakararami na dumaan din ang actor-singer na si Carlo Aquino sa depresyon at nakaranas din ng matinding anxiety moong kasagsagan ng pandemya.

Hanggang ngayon daw ay nakaka-experience pa rin siya ng mental healt issues at ina-acknowledge lang niya ang mga ito at patuloy na nilalabanan.

“Hindi ko lang siguro siya pinapakita, pero nandu’n talaga. Di ko alam kung paano ko hina-handle,” ang pahayag ni Carlo nang makapanayam ng ilang members ng entertainment media sa presscon ng pelikulang “Love You Long Time” last March 30.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Isa sa walong official entry sa 1st Summer Metro Manila Film Festival ang latest movie ni Carlo kung saan makakatambal niya ang baguhang aktres na si Eisel Serrano.

Pagbabahagi pa ni Carlo about his mental health condition, “Siguro sa edad mas naitatago ko na, lalo na sunud-sunod ang mga ginagawa ko, mga pelikulang lumalabas.

“Nandiyan palagi yan, parang hinahabol lang ako, kailangan mong unahan,” ang napakapositibong pananaw ng aktor.

Samantala, diretso ring nabanggit ni Carlo na ang girlfriend niya ngayong si Charlie Dizon na ang masasabi niyang “the one”. Feeling niya, ang aktres na ang kanyang pang-forever.

In fairness, very open na ngayon si Carlo na pag-usapan ang tungkol sa relasyon nila ni Charlie, “Hindi ko alam, siguro hindi naman siya sinasadya. Okay naman.

“Kung may pumalag or kung may magalit, ano ang gagawin ko, di ba? Opinyon nila yun, opinyon niyo yan. Pero buhay ko ito,” sabi pa ng aktor.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra 17 years nang lumalaban sa depresyon: Sa totoo lang, minsan nakakapagod din, pero…

Kinunan din ng reaksyon ang binata kung ano ang masasabi niya sa commemts ng netizens na mas nauna pa raw niyang makatrabaho ang ibang aktres kesa kay Charlie.

Tugon ni Carlo, “Ang immature. Di nakaka-professional.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa ngayon, mukhang maayos na rin ang co-parenting status nila ng dating live-in partner na si Trina Candaza para sa two-year-old daughter nilang si Mithi.

“As much as possible, siyempre present ka. Napupuntahan ko si Mithi kapag walang trabaho. Napupuntahan ko siya sa school.

“Kami ni Trina, we’re on speaking terms. Pinag-uusapan namin kung ano ang makakabuti kay Mithi. At the end of the day, siyempre magkatrabaho kami, ginagawa namin ito para sa bata,” pahayag pa ni Carlo.

Tungkol naman sa dati niyang girlfriend na si Angelica Panganiban na engaged na ngayon sa fiancé nitong si Gregg Homan at isa na rin ngayong mommy, super happy daw siya para sa aktres.

“Ever since naman ramdam na yun, kita na yun, at alam naman natin na matagal na gusto niya yun. Pero huwag na nating pag-usapan ang ibang tao kasi baka sabihin nila ginagamit natin sila,” ani Carlo.

Bangs Garcia inatake ng matinding depresyon sa UK: Na-realize ko hindi ako puwedeng maging housewife talaga…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kobe Paras umaming inatake ng depresyon; Andre may bwelta sa haters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending