Carlo Aquino may pa-tribute kay Ate Vi: Salamat sa pagtanggap mo sa akin, salamat sa ‘Akala mo lang wala!’
NAPA-THROWBACK nang bonggang-bongga ang Kapamilya actor-singer na si Carlo Aquino patungkol sa pagganap niya noon bilang anak ni Vilma Santos sa pelikula.
Ang tinutukoy ng binata ay ang award-winning at blockbuster movie ng Star Cinema na “Bata, Bata…Pa’no Ka Ginawa” na idinirek ng premyadong filmmaker na si Chito Roño.
Binigyan ng tribute ni Carlo ang nag-iisang Star For All Seasons na nagse-celebrate ng kanyang ika-60 anibersaryo sa entertainment industry.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Carlo ng ilang recent photos nila ni Ate Vi kalakip ang kanyang madamdaming mensahe para sa premyadong veteran actress.
Sa kanyang caption, inalala rin ng Kapamilya star ang naging mga kaganapan sa first shooting day ng pelikula nilang “Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa?”
View this post on Instagram
“First day of shoot ko sa ‘Bata bata.’ Dumating ka sa set na naka artista van. Pinakilala ka samin ni direk Chito tapos lumapit ka sakin.
“Sabi mo ‘I’ll be your mom for this film, would you like that?’ Halos matanggal ulo ko sa pagtango,” ang pagbabalik-tanaw ni Carlo.
Kasunod nito, abot-langit ang pasasalamat ng binata kay Ate Vi dahil pumayag itong maging nanay nila ng dating child star na si Serena Dalrymple, sa naturang pelikula.
“Salamat sa pagtanggap sa akin bilang si Ojie. Kahit matagal na nagawa ang pelikula natin ganun pa din ang pagmamahal mo sakin.
“Salamat sa mahigpit na yakap pagkatapos ng bawat eksena. At higit sa lahat salamat sa ‘Akala mo lang wala,’” mensahe pa ni Carlo kay Ate Vi.
“Sana makatrabaho kita ulit. Love you mommy Vi,” ang pahabol pang pahayag ni Carlo Aquino.
Luis planong maging doktor, may sinundang babae kaya ‘di natuloy
Nadine kay Ate Vi: Noong MMFF awards night nakita ko siya, gusto ko talaga siyang yakapin
Ate Vi binalikan ang pagiging Darna at Dyesebel; umaming nasaktan sa sampal ni John Lloyd
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.