Nadine kay Ate Vi: Noong MMFF awards night nakita ko siya, gusto ko talaga siyang yakapin | Bandera

Nadine kay Ate Vi: Noong MMFF awards night nakita ko siya, gusto ko talaga siyang yakapin

Ervin Santiago |January 17,2023
facebook
share this

Nadine kay Ate Vi: Noong MMFF awards night nakita ko siya, gusto ko talaga siyang yakapin

Ervin Santiago - January 17, 2023 - 07:16 AM

Nadine kay Ate Vi: Noong MMFF awards night nakita ko siya, gusto ko talaga siyang yakapin

Vilma Santos at Nadine Lustre

KUNG may isang movie icon na gustung-gustong makasama ni Nadine Lustre sa mga susunod niyang pelikula, yan ay walang iba kundi ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Ayon sa award-winning actress, nakasama na niya noon si Ate Vi sa isang episode ng “Maalaala Mo Kaya” pero napakaikli raw ng panahong pinagsamahan nila at wala pa siyang kamuwang-muwang noon.

Sa naganap na thanksgiving party para sa success ng Metro Manila Film Festival 2022 entry nina Nadine na “Deleter”, natanong nga ang festival best actress kung sino pa ang dream niyang makasama sa isang project.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


“Si Ate Vi. Actually nakasama ko siya before pero sobrang tagal na sa MMK. Si Ate Maj (Maja Salvador) po ang kasama ko noong time na ‘yun.

“Parang sobrang every time na nakikita ko siya actually kahit noong MMFF awards na nakita ko siya gusto ko siyang yakapin,” sey pa ni Nadine.

“Actually hindi ko pa napanood ‘yung lahat ng mga nagawa niya e, hindi ko pa napanood lahat ng mga movies nila. Pero of course lahat naman sila, it’s an honor if makakatrabaho ko silang lahat,” chika pa ng dalaga.

“Noong nakatrabaho ko si Ate Vi before, hindi ko siya…kasi bata pa po ako noon so hindi ko siya ganu’n, I guess, na-appreciate.

“Pero hindi ko na-realize na itong naka-work ko is The Vilma Santos so hindi siya ganu’n nag-sink in sa akin.

“Pero now, parang gusto ko siyang makatrabaho ulit para naman this time na mag-sink in na siya sa akin,” dagdag ng aktres.

Bukod kay Ate Vi, siyempre kasama rin sa wish list niya ang makatrabaho ang nag-iisang Superstar at National Artist for Film na si Nora Aunor.

“Anyone naman, I’m open for collaboration especially ‘yung mga legends natin isang malaking karangalan na maka-trabaho natin sila,” sey niya.

Ate Vi binalikan ang pagiging Darna at Dyesebel; umaming nasaktan sa sampal ni John Lloyd

Reaksyon ni Ate Vi nang isilang si Luis: Bakit ganito itsura? Parang malaking daga!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Luis planong maging doktor, may sinundang babae kaya ‘di natuloy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending