Reaksyon ni Ate Vi nang isilang si Luis: Bakit ganito itsura? Parang malaking daga! | Bandera

Reaksyon ni Ate Vi nang isilang si Luis: Bakit ganito itsura? Parang malaking daga!

Ervin Santiago |September 08,2021
facebook
share this

Reaksyon ni Ate Vi nang isilang si Luis: Bakit ganito itsura? Parang malaking daga!

Ervin Santiago - September 08, 2021 - 02:25 PM

Vilma Santos at Luis Manzano

TAWA kami nang tawa habang pinanonood ang bagong vlog ni Luis Manzano sa YouTube kung saan muli niyang nakasama ang inang si Vilma Santos.

Muli na naman kasing naglaglagan ang mag-ina sa kanilang “heart-to-heart” talk video lalo na nang mapag-usapan ang itsura ni Luis noong bagong silang pa lamang siya.

Ipinanganak ni Vilma si Luis noong 1981 sa first husband niyang si Edu Manzano. Ito’y noong kasagsagan din ng kanyang kasikatan bilang isa sa top actresses ng bansa.

Buong-ningning na inamin ng Star for All Seasons na hindi niya talaga nagustuhan ang itsura ni Luis nang una niya itong makita habang nasa nursery.

Hindi napigilan ni Ate Vi na humalakhak nang sagutin ang tanong ng anak. Aniya, grabe raw ang kaputian ng TV host-comedian nang isilang niya at napakalaking sanggol daw nito.

“Nu’ng ipinanganak kita, cesarean ako nu’ng pinanganak kita. Tapos nu’ng dadalhin na ako, kasi kailangang magpa-breastfeed, dinala ako sa nursery. Pagdala sa nursery, hinahanap kita doon,” simulang pagbabalik-tanaw ng actress-politician. 

“Tapos may nakita ako, napatingin ako tapos sabi ko, ‘Ang laki naman ng batang to. Ang puti-puti.’ Walang eyebrows at ang puti-puti. Parang anak araw. 

“Kinausap ko yung nurse, sabi ko, ‘Nurse, nasaan po yung anak ko?’ Sumagot siya, ‘Ayan ho.’ Huh!?”ani Ate Vi sabay tawa uli.

Sabi pa raw ng veteran actress nang makita ang panganay na anak, “Bakit ganito itsura? Ang puti-puti, walang eyebrows. Parang malaking daga! Ito ba yung anak ko! Ha-hahaha!”

Pero agad namang sinabi ni Ate Vi, na sa unang tingin lamang niya nasabi ang mga ganu’ng reaksyon dahil habang tinititigan na niya si Luis ay unti-unti na itong gumuguwapo. 

“Noong inuwi na kita…kasi di ba, may mga baby talagang sa simula pangit, mukhang matanda kasi may kulu-kulubot, pero habang tumatagal unti-unti nang nade-develop yung features mo, paguwapo ka nang paguwapo,” papuri naman ni Ate Vi sa anak.

Samantala, nabanggit din ng award-winning movie icon na magkahalong takot at excitement ang naramdaman niya nang malamang buntis siya kay Luis.

“Parang hindi ako makapaniwala, anak. Buntis na ko?” aniya. Bukod sa bagong responsibilidad ng pagiging ina, naisip din niya kung ano ang mangyayari sa kanyang showbiz career kapag nalaman ng publiko na magiging nanay na siya.

“Paano kaya yung career ko? Paano kaya mga pelikula kong ipapalabas? Paano ko kaya sasabihin sa mga tao na buntis ako? May ganu’n pa ko that time,” ang pahayag ng misis ni Sen. Ralph Recto. 

Mabilis na nilinaw ng aktres na hindi niya ikinahihiya ang kanyang pagbubuntis, at tanggap din ito ng dati niyang asawa at ama ni Luis na si Edu.  

“Noon kasi medyo takot ang mga artista na mabalitang may anak o mabubuntis kasi maiiba yung tingin sa kanila ng tao. Parang pag may anak ka na, di ka na leading lady type. Nababawasan na yung kasikatan mo,” lahad pa ni Ate Vi. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero baligtad ang nangyari. That’s why you’re Lucky nga e. Kasi bumaliktad lahat for the better. Nagdoble-doble lahat ng swerte ko,” chika ng veteran actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending