Cathy Garcia ayaw idirek si Vilma Santos sa pelikula, may issue?
DIRETSAHANG sinabi ng blockbuster director na si Cathy Garcia-Garcia-Sampana na talagang in-expect niyang magiging box-office hit ang “Hello, Love, Again.”
Ang “Hello, Love, Again” na pinagbidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ang part 2 ng makasaysayan ding “Hello, Love, Goodbye” na idinirek din ni Cathy, under Star Cinema.
Winasak ng “HLA” ang lahat ng record sa history ng Philippine cinema matapos kumita ng mahigit P1 billion sa takilya mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito na ngayon ang may hawak ng titulong “highest grossing Filipino film of all time.”
Sa pakikipagchikahan ng BANDERA kay Direk Cathy kamakailan, totoo raw na naramdaman niya na tatabo sa takilya ang “HLA” dahil may captured audience na ito, kabilang na ang mga nakapanood sa part 1 na “Hello, Love, Goodbye.”
Baka Bet Mo: Olivia Lamasan na-intimidate nang idirek si Boyet; Mega umiyak sa last shooting day ng ‘Madrasta’
Pero ang mas ipinagpapasalamat ng award-winning filmmaker, ay ang record ng “HLA” bilang ikalawa sa mga pelikulang Pinoy na nakakuha ng pinakamaraming cinema tickets na naibenta.
Ayon kay Direk, kung ang pagbabasehan kasi ay hindi ang kung magkano ang kinita ng pelikula kundi ang number of tickets sold, second ang movie ng KathDen sa “Anak” ng Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto.
View this post on Instagram
Samantala, ni-reveal din ni Direk Cathy na ilang beses na raw siyang nakatanggap ng offer na idirek si Ate Vi sa isang movie pero palagi niya raw itong tinatanggihan.
Hindi raw niya kasi kaya at hiyang-hiya siya kung paano sasabihin sa isang movie icon na tulad ni Vilma na kailangan nilang mag-take 2 sa eksena. Iniisip pa lang daw niya ay talagang inaatake na siya ng takot.
Pero never naman niyang isinasara mang tuluyan ang posibilidad na magkaroon sila ng collab ni Ate Vi in the future.
Tulad na lang ng pag-overcome niya noon na maidirek ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda at ang nag–iisang Megastar na si Sharon Cuneta.
Siya ang direktor ng “Three Words To Forever” nina Mega, Richard Gutierrez at Kathryn Bernardo at ang “Unexpectedly Yours” na reunion movie nina Shawie at Robin Padilla.
Si Direk Cathy din ang nasa likod ng Metro Manila Film Festival 2022 entry na “Partners In Crime” starring Vice Ganda and Ivana Alawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.