‘Hello, Love, Again’ nina Kathryn at Alden kumita na ng P1.4-B sa takilya
INAASAHANG patuloy pang kikita ng bilyun-bilyon ang “Hello, Love, Again” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Ibinalita ng Star Cinema at GMA Pictures na umabot na sa mahigit P1.4 billion ang kinita ng kanilang pelikula mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
More than P1 billion ang domestic sales na kinita ng reunion movie ng KathDen habang mahigit $7 million naman ang hinamig nito internationally, kabilang na ang Amerika at Canada.
Gumawa ng kasaysayan ang sequel “Hello, Love, Again” sa history ng Philippine cinema bilang first ever Filipino film na kumita ng mahigit P1 billion, at ang unang Pinoy movie na nag-showing sa 1,000 na sinehan worldwide.
Baka Bet Mo: ‘Rewind’ ng DongYan kumita na ng P815-M, natalo na ang ‘Hello, Love, Goodbye’
“We’re so blessed because binigyan ng mga tao ng chance yung pelikula namin at lahat ng nare-receive namin. Wala na kaming mahihiling pa,” ani Kathryn.
“Maraming salamat sa pagmamahal at suporta na binibigay niyo sa amin at sa pelikula. No words can express how grateful we are for the turnout and we’re very happy na maraming naka-appreciate nito,” ang mensahe naman ni Alden sa lahat ng mga tumangkilik sa “HLA.”
Nagtungo rin sina Kathryn at Alden sa Asian World Film Festival, kung saan ang “Hello, Love, Again” ang magsisilbing closing film.
View this post on Instagram
“We are very honored and privileged po that Hello, Love, Again is part of the AWFF. Maraming salamat po for the recognition, and we are just really excited to bring Hello, Love, Again to the international scene,” ani Alden sa isang panayam.
Sey naman ni Kathryn, “We are very proud na gawang Pinoy ang ipapakita natin not just here but in LA. This is the first time na mangyayari yun, so it’s us representing GMA Pictures and Star Cinema. Nakaka-proud lang na kaya pala natin yun. Sana magustuhan nila.”
Nagkomento rin si Kath tungkol sa isa pang historical achievement ng pelikula nila ni Alden. Ayon sa entertainment site na Deadline, “the film earned $2.4 million during its debut weekend, securing the no. 8 spot in the US box office—a record for a Filipino movie.”
“Every day pa-good news ng pa-good news. It’s incredible, surreal, and hard to put into words. Siguro, salamat! Grabe ang pasasalamat namin. We didn’t expect this level of support,” ani Kathryn.
“On the way here lang na-post nila yung milestone. All for Him lahat ng nangyayari. It’s just amazing to see how far the film has come,” dugtong ng aktres.
Mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana, kasama rin sa “Hello, Love, Again” sina Jennica Garcia, Valerie Concepcion, Joross Gamboa at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.