Ron Angeles kay Nadine Lustre: ‘Never ko naramdaman na baguhan ako sa kanya’
FOLLOW-UP ito sa nauna naming naisulat about kay Ron Angeles na naging katambal ang award-winning actress na si Nadine Lustre sa MMFF entry na “Uninvited.”
Magugunitang na-interview ng ilang press members ang aktor matapos manood ng nasabing pelikula noong December 25, ang opening day mismo ng film festival.
May isang media na nagtanong kung totoo ba ang kumakalat na tsismis na pa-star at supladita si Nadine.
Ayon kay Ron, hindi niya raw ito naramdaman at sa katunayan nga raw ay very approachable ang aktres.
“Simula ‘nung nagkita kami ni Nadine, hindi ko naramdaman na baguhan ako sa kanya,” sagot niya.
Baka Bet Mo: Kissing scenes ni Nadine ‘binantayan’ ni Christophe Bariou sa shooting
Kwento pa ng aktor, “Magkasama kami [sa] taping, promo and everything, naging close ko naman silang lahat. I think for me, hindi ako nahirapang katrabaho si Nadine. Masaya ako na naka-work ko siya.”
Ibinunyag pa nga ni Ron na madalas niyang nakakapag-usap si Nadine, lalo na ‘nung taping.
“Kailangan ko rin ‘yun para hindi ako mahiya sa kanya [sa shoot] and minsan kapag nagbabasa kami ng script, magtatanong kami sa isa’t-isa [kung] paano ba namin gagawin [ang eksena],” paliwanag niya.
Nang usisain naman siya kung may advise bang binigay ang aktres para sa baguhang aktor.
Chika ni Ron, “Ang sabi lang niya sakin, ‘Ron huwag kang mahiya. Kumbaga gawin mo lang kung ano ‘yung nandyan, then tanungin mo ako if meron kang hindi maintindihan or may gusto kang gawin’.”
Aniya pa, “Sobrang supportive ni Nadine. Very professional po si Nads.”
Para sa mga hindi pa nakakanood ng “Uninvited,” si Ron ang gumaganap bilang si Mark na katambal ni Nadine.
Ang wild nga ng karamihang eksena nila dahil tila puro tukaan at intimate ang kanilang ginagawa sa revenge film.
Nauna nang inamin ng baguhang aktor na maswerte siya dahil bukod sa nakatambal niya ang award-winning actress ay nabigyan siya ng magandang oportunidad na makasama rin ang ilang malalaking artista sa showbiz industry, kabilang na sina Aga Muhlach at Vilma Santos.
Ang “Uninvited” ay showing sa mga lokal na sinehan hanggang January 7, kasama ng ilang MMFF 2024 official entries na “Green Bones,” “Espantaho,” “Topakk,” “The Kingdom,” “The Breadwinner Is…,” “Isang Himala,” “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital,” “Hold Me Close,” at “My Future You.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.