Ron feeling ‘lucky’ na nakatambal si Nadine, aminadong na-‘intimidate’
HINDI maitatanggi na isa si Ron Angeles sa mga maswerteng baguhan sa showbiz industry ngayong taon.
Hindi lang dahil sa naging bahagi siya ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “Uninvited“, kundi dahil nakatrabaho niya ang ilang malalaking pangalan tulad nina Vilma Santos, Aga Muhlach, at naka-love team pa si Nadine Lustre.
Sa opening day ng film fest, isa ang BANDERA sa mga naimbitahan upang mapanood ang pelikula at present doon si Ron kasama ang film producer at Mentorque CEO na si Bryan Diamante.
After ng pelikula, nakausap ng ilang entertainment press si Ron at doon namin siya inusisa kaugnay sa pagkakatambal niya kay Nadine.
Inamin ng aktor na hindi niya inaasahan ang pagkakataong ito, lalo na’t hindi lahat nabibigyan ng ganitong klaseng break.
Baka Bet Mo: Kissing scenes ni Nadine ‘binantayan’ ni Christophe Bariou sa shooting
“‘Yun nga po eh. Lagi ko nga pong sinasabi na may kasamang swerte po talaga sa ginagawa ko actually,” sey niya at lubos na nagpasalamat sa kanyang manager na si Bryan.
Patuloy niya, “Sa dami po ng nag-aartista, sa dami ng baguhan, sa dami ng beterano, hindi po lahat magkakaroon ng ganun kalaking oportunidad.”
Nang tanungin naman siya kung na-intimidate ba siyang makatrabaho si Nadine.
Sagot ng aktor, “‘Nung una po. Hindi talaga mawawala ‘yung intimidation kasi siyempre po nandun ‘yung starstruck factor, then alam mo po ‘yung pakiramdam na parang pumasok ka doon sa –kasi high-caliber po lahat ng artista sina Tita Vi, Aga Muhlach tapos si Nadine pa.”
Pag-amin niya, “Ang iniisip ko nalang po is kailangan kong tanggalin ‘yung pagiging fan boy eh. Siyempre, fan ako ni Tita Vi, [at] ni Kuya Aga. So tinanggal ko na po ‘yun sa set.”
View this post on Instagram
Kasunod niyan, ibinunyag ni Ron na mas na-intimidate siya kay Aga dahil sa isang eksenang nagkaharap sila.
“Talagang face-to-face kami, so hindi ko alam kung ano ang ire-react ko so nagawa ko naman po ng maayos,” chika niya.
Ang “Uninvited” ay isa sa pinaka-aabangang pelikula ngayong MMFF 2024 na mapapanood sa mga lokal na sinehan hanggang January 7.
Tampok dito ang kwento ng pag-ibig, pagtataksil, at misteryo sa pagitan ng main casts na ginagampanan nina Nadine, Vilma, at Aga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.