Ate Vi binalikan ang pagiging Darna at Dyesebel; umaming nasaktan sa sampal ni John Lloyd | Bandera

Ate Vi binalikan ang pagiging Darna at Dyesebel; umaming nasaktan sa sampal ni John Lloyd

Ervin Santiago - September 27, 2021 - 11:23 AM

John Lloyd Cruz, Vilma Santos at Luis Manzano

TULAD ng kanyang ipinangako sa lahat ng Vilmanians, inilabas na ng Star for All Seasons na si Vilma Santos ang kauna-unahan niyang vlog sa sarili niyang YouTube channel.

In fairness, ang daming ibinahagi ni Ate Vi sa nasabing video, mula sa pagsisimula niya sa showbiz noong bata pa siya, hanggang sa mga hindi malilimutang pelikula na nagawa niya sa loob ng ilang dekada.

“Ipapakita ko sa inyo yung pinaghirapan ko, yung blood, sweat, and tears na trinabaho kumbaga. Alam ko hindi maganda yung panahon natin ngayon. 

“Gusto ko lamang mag-share sa inyo ng isang positive energy na kahit na dumaranas yung mga kababayan natin, tayong lahat sa isang malaking pagsubok. Pati nga ho kami. And it’s not easy. 

“Pero kung may maise-share man ako sa inyo na positive energy, yun ang gusto kong gawin ngayon. Pagbigyan n’yo na ako. Papasayahin ko kayo,” simulang pahayag ni Ate Vi sa vlog.

Nakasama naman ng actor-politician sa Q&A session ang anak na si Luis Manzano kaya naman mas naging masaya pa ang kanyang first vlog.

Nabanggit ni Ate Vi na nakagawa na siya ng halos 300 pelikula, “Kasi naman I started nine years old. Ibig sabihin child actress. Yung mga unang pelikulang ginawa ko mga anak anak lang ako. 

“Tapos dumating ako du’n sa age na alanganin. Hindi mo alam kung ako ay dalaga or kung ako’y bata. I was lucky I guess because at that time nu’ng alanganin yung edad ko, 11 years old and 13 years old, I was able to do one international film na ‘The Longest Hundred Miles’ na sinyuting ko sa Gubat, Sorsogon. So yung alanganing age na yun nagtrabaho pa rin ako,” lahad ng award-winning actress.

Pagpapatuloy pa niya, “Then dumating ako sa age na 15, 16, and yun naman yung mga loveteams. Yan naman yung naging ka-loveteam ko si Bobot, si Edgar Mortiz. Aaminin ko, si Bobot ang first boyfriend ko. 

“Yan na ang childhood boyfriend ko si Bobot. Yan yung mga pelikula na kakanta lang kami sa ilalim ng puno tapos na. Basta nagkaibigan yung love team, kumanta lang, the end na yung pelikula,” natatawa pang pagbabalik-tanaw ni Ate Vi.

Samantala, feeling blessed naman si Ate Vi dahil nabigyan siya ng chance na magbida sa dalawang iconic roles sa Philippine showbiz.

“Dumating naman ako nu’ng 18, 19 years old that was the time I did Dyesebel. That was the time I also did my first Darna movie, Lipad Darna Lipad. Ang maging Dyesebel at maging Darna ay isa sa mga inaasam ng ating mga artista. 

“Tatak ito ng Pinoy, eh. Very iconic roles. And then after that, when I was 21 yun ang turning point ng career ko na sinabi nila na, ‘Hindi naman puwedeng ganun na lang ang gagawin mong pelikula, Vi. Dapat ipakita mo naman na isa kang aktres.’ 

“And that was the time I took the risk of doing Burlesk Queen. Directed by Celso Ad Castillo. Storya ng isang burlesk dancer at yung tinatawag nilang teatro ng mga mahihirap,” pagbabahagi pa ng movie icon.

“That was the turning point of my career. Nanalo ako ng mga award doon. And since then, modesty aside, kinilala na tayong aktres and then dumating na yung mga very meaningful and relevant roles sa akin after that,” dagdag pa niya.

“Masuwerte kami na yung mga artists noong 80s kasi nabigyan kami ng pagkakataon na makatrabaho yung mga tinatawag na ace directors. Marami tayong magagaling na ngayon na director, yung mga bago natin, very creative, at yung creativity nila sumusunod sa panahon. 

“Pero nu’ng era ng 80s, ito yung mga ace directors like Ishmael Bernal, Lino Brocka, Celso Ad Castillo, Mike De Leon. Isa ako sa napakasuwerteng artista na naidirek ng magagaling na director at siguro sila yung napakalaki yung naitulong sa akin kung paano ako nagkaroon ng tinatawag na longevity. 

“Kasi madali naman sumikat, eh. Overnight puwede ka sumikat, maganda ka lang at naging sexy ka. Gumawa ka ng isang blockbuster, the next day tingin sa ‘yo superstar na. Pero ang usapan kasi yung pangmatagalan. I was blessed enough that I was given beautiful roles,” sey pa ni Ate Vi.

* * *

Nai-share rin ng actress-politician ang naging experience niya nang gawin ang pelikulang “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?” at ang iconic na pagsampal niya kay Carlo Aquino na gumanap na anak niya sa movie.

“Nu’ng unang in-offer sa akin yun, pagkabasa ko pa lang, alam ko ako na yun. Alam ko yun eh award-winning novel ni Lualhati Bautista. Sabi ko ako ito, ah. Yung dalawang anak na nagkataong magkaiba yung ama. Pero pinatunayan niya na hindi yun ang issue.

“Ang issue ay kung paano ka mananatiling isang mabuting ina. Alam mo nung kinunan namin yung eksena na may, ‘Akala mo lang wala pero meron, meron, meron!’ Walang rehearsal yun. 

“Wala kaming idea kung gaano kalakas yung sampal na gagawin ko kay Carlo and si Carlo walang idea kung gaano kalakas ang sampal na darating sa kanya. Ha-hahaha! Dahil sa emotion ko kasi ang taas na ng emotion ko eh, galit ako, di ba? 

“Nakita kong nagbibilyar yung anak ko eh. Minotivate pa kami ni direk. Kaya yung sampal ko talaga kay Carlo malakas. Yung reaction ni Carlo totoo. Alam ko nasaktan yung bata. Nakita niyo yung reaction din kung gaano kagaling si Carlo doon,” chika ng aktres.

Isa pa sa mga binalikan ng kongresista ay ang 2009 movie niyang “In My Life” kung saan nakasama niya sina Luis at John Lloyd Cruz.

“First time I learned si Lucky ang kukunin ninerbiyos ako. Anak ko, eh. Makakaeksena ko yung anak ko ni hindi ko nga ma-imagine paano ko siya titingnan sa mata na anak ko talaga. Tapos ang role pa niya gay. 

“Nasa likod ako ng camera para ma-motivate ko siya kahit close up niya. Nu’ng ako na ang kukunan ni direk Olive, hala hindi na ako makaarte. Wala ng luhang lumabas sa akin. Na-drain na ako,” aniya pa.

“Naku, napakasarap din kasama nito (John Lloyd). Ang sweet naman ni Lloydie kasi hanggang nu’ng nag-hibernate siya may contact pa rin siya. Pinadalhan pa niya ako ng pagkain. Lloydie thank you. 

“You’re such a good actor. I don’t know kung saan mo hinuhugot. Masakit din yung sampal niya pero Diyos ko naman, Lloydie, ayaw mo akong sampalin noon. Grabe ka inabot tayo ng alas-singko. The great Inang Olive Lamasan, we started ata two or three o’clock in the morning. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sinasabi sa ‘yo ni Inang, ‘Sampalin mo na si Vi.’ Ayaw niya talaga. Alam mo bago nagawa ni Lloydie alas-5 na ng umaga. Ayaw niya talaga ako sampalin. Bawat galaw niya, alam mo agad galing sa puso. Basta galing sa puso yung arte, you will never go wrong,” kuwento pa ni Ate Vi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending