Bangs Garcia inatake ng matinding depresyon sa UK: Na-realize ko hindi ako puwedeng maging housewife talaga... | Bandera

Bangs Garcia inatake ng matinding depresyon sa UK: Na-realize ko hindi ako puwedeng maging housewife talaga…

Ervin Santiago |May 22,2022
facebook
share this

Bangs Garcia inatake ng matinding depresyon sa UK: Na-realize ko hindi ako puwedeng maging housewife talaga…

Ervin Santiago - May 22, 2022 - 07:59 AM

Bangs Garcia, Amelia at Isabella

SA kauna-unahaang pagkakataon, inamin ng aktres na si Bangs Garcia na inatake rin siya ng matinding depresyon noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic last year.

Inamin ni Bangs na tulad ng karamihan sa mga Filipino, marami rin siyang pinagdaanang challenges noong 2021 na naging sanhi ng kanyang depresyon at anxiety.

Sa United Kingdom na nakabase si Bangs kasama ang kanyang asawa at dalawang anak. Umuwi kamakailan ang aktres sa Pilipinas kasama ang kanyang pamilya para magbakasyon.

Sa guesting ni Bangs sa isang episode ng “Magandang Buhay”, inamin nga niya na nakaranas din siya ng depresyon na nagsimula noong 2017.

“Never ko pa itong naamin sa public, first time ko itong aaminin. Na-depress ako last year. Medyo na feel ko ito nu’ng first year pa lang, 2017.

“Kasi kakapanganak ko lang pero parang blues lang sa akin ‘yon. Siyempre natakpan na may bagong chapter sa buhay mo, natatakpan ‘yon ‘yung blues kasi masaya ako sa baby, masaya ako sa buhay ko, sa bagong lifestyle doon, so medyo nawala ‘yon.

“Itong pangalawa ko, doon ako tinamaan ng depression, tapos nag-pandemic pa,” sabi ng aktres.

Aniya pa, “Na-realize ko hindi ako puwedeng maging housewife talaga. Sabi ko nami-miss ko. I am so used to having a fast-faced life here.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Valerie Garcia-Birchmore (@valeriebangsgarcia)


“Parang everyday ang dami kong activities, in one day grabe lagare ako, parang taping, tapos may show, may show ka pa sa mall, sa probinsiya, parang kung saan-saan. Grabe workaholic talaga ako. Hindi ako sanay ng ganu’n,” pahayag pa ni Bangs.

“Buti na lang somehow nakahanap ako ng outlet which is vlogging. Nagba-vlog ako tapos very understanding talaga ang asawa ko.

“So he always made sure na nakakalabas ako every weekend tapos bonding na rin with the kids. It’s a must sa amin sobrang family-oriented kami, pati ‘yung family ng husband ko family-oriented sila.

“Very close, very malambing, very expressive nag-a-I love you sila sa isa’t isa. So nakakatuwa, nakakatulong. It’s good to have a solid foundation in the UK kahit na malayo ako sa family ko,” chika pa niya.

Miss na miss na raw talaga niya ang Pilipinas, “Sobrang saya dito. I find it na a little bit uptight doon. Parang mas dynamic ang Pilipinas tapos buhay na buhay, tapos mahilig tayong mag-videoke, doon hindi. Kaya nakaka-miss ang Pinoy.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kanyang latest Instagram post, ibinalita ni Bangs na nakabalik na sila ng kanyang asawang si Lloyd Birchmore at mga anak na sina Amelia at Isabella sa United Kingdom.

Samantha Panlilio inatake ng depresyon matapos rumampa sa Miss Grand International 2021: I felt so lost

Ice Seguerra 17 years nang lumalaban sa depresyon: Sa totoo lang, minsan nakakapagod din, pero…

Kobe Paras umaming inatake ng depresyon; Andre may bwelta sa haters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending