Ice Seguerra 17 years nang lumalaban sa depresyon: Sa totoo lang, minsan nakakapagod din, pero... | Bandera

Ice Seguerra 17 years nang lumalaban sa depresyon: Sa totoo lang, minsan nakakapagod din, pero…

Ervin Santiago - February 22, 2022 - 07:49 AM

Ice Seguerra

MULING pinaalalahanan ng singer-actor na si Ice Seguerra ang lahat ng nakikipaglaban sa anxiety at depresyon na mas maging matatag at matapang pa sa panahong ito.

Sa pamamagitan ng social media, nagbigay ng mensahe ang proud member ng LGBTQIA+ sa mga tulad niyang patuloy na nag-i-struggle sa mental health issues.

Sa kanyang Instagram post, nagbahagi ng art card ang award-winning singer kung saan nakasaad na lahat ng mga taong may anxiety at depression ay makaka-survive sa kanilang pinagdaraanan.

Nabanggit din ni Ice na 17 years na siyang nakikipaglaban sa depresyon at tanggap na niya na may mga araw na hindi magiging okay ang pakiramdam niya.

“Living with depression for almost 17 years now, I’ve come to accept that this will be my life from here on. 

“With acceptance comes embracing the fact there will be days, weeks, or months that I won’t be okay, without really understanding why. 

“But I also know that it will pass. That one day, I can be myself again. Just feeling and enjoying life,” pahayag ni Ice.

Dagdag pa niyang pahayag, “It is a roller-coaster ride. Sa totoo lang, minsan, nakakapagod. Sometimes, bad days will outnumber my good days but despite that, the joy of one good day is worth all the struggle.” 

Payo pa niya sa lahat ng dumadaan sa kaparehong sitwasyon na humingi ng professional help, makipag-usap sa pamilya at huwag na huwag susuko sa laban dahil “life is still worth the fight.”

“If you’re reading this, please know that whatever it is you’re going through… it will pass. Get professional help, take your meds, talk to family and friends. 

“Please soldier on and hold tight, because regardless of what you’re going through, life is still worth the fight,” mariin pang pahayag ng asawa ni Film Development Council of the Philippines chairperson Liza Dino.

View this post on Instagram

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra)

Unang ni-reveal ni Ice ang pagkakaroon ng depresyon noong October, 2019. Kasunod nito, naging advocate na rin siya ng mental health awareness. 

https://bandera.inquirer.net/285427/liza-dino-gustong-gumawa-ng-pelikula-tungkol-sa-trans-family-ano-ba-yung-pinagdaraanan-namin
https://bandera.inquirer.net/305549/sharon-niregaluhan-ng-bagong-baby-si-ice-seguerra-nakatanggap-din-ng-puppy-mula-sa-netizen

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/292601/angel-pinalakas-ang-loob-ng-mga-bayaning-health-workers-i-feel-you-thank-you

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending