Kobe Paras umaming inatake ng depresyon; Andre may bwelta sa haters
NANAWAGAN ang Paras Brothers na sina Andre at Kobe sa lahat ng mga netizens sa social media na matutong gumalang at rumespeto sa kapwa.
Parehong biktima ng kanegahan sa socmed ang mga anak nina Benjie Paras at Jackie Forster at karamihan nga raw sa kanilang mga bashers at matatapang lang dahil nagtatago ang mga ito sa private o fake accounts.
“These days, the haters are tough because they are behind the keyboard using their fake and private accounts,” ang mensahe ni Andre sa kanyang socmed followers.
Sa isang cryptic post naman niya sa Instagram, hinihiling niya na sana’y mas maging maingat at sensitive ang bawat netizen sa pagpo-post o pagkokomento tungkol sa ibang tao.
Samantala, inamin naman ni Kobe sa isa niyang post na dumaan din siya noon sa lowest point ng kanyang buhay at inatake rin ng matinding depresyon.
Isang screenshot ng dati niyang tweet matapos bumalik sa Pilipinas ang kanyang ni-repost at nilagyan ng mensaheng, “When I moved back to the Philippines (four) years ago, I was at my lowest. I was depressed, suicidal. I just felt so lost. Until now, there are days I don’t feel like me.
“Whatever you’re going through, find a purpose and stick to it. It’s not easy at all. Only you can save yourself,” paalala pa ng professional basketball player.
Panawagan pa niya, “Be kind; Everyone you meet is fighting a hard battle. I am not posting this for pity, but to show (you all) I’m human, and we all go through sh*t in life.”
Kinakarir ngayon ng magkapatid ang paglalaro ng basketball para sa kani-kanilang respective teams.
Kamakailan, nakapasok si Andre sa Philippine Basketball Association (PBA) with a two-year, P3 million contract with Blackwater habang umalis naman si Kobe sa University of the Philippines (UP) Fighting Maroons para mag-training sa Amerika sa ilalim ng sports management na East-West Private sa Cincinnati, Ohio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.