Alden, Julia may halikan at love scene sa 'Five Break-ups And A Romance'; ipaparamdam ang hugot na, 'Love is a very complicated thing' | Bandera

Alden, Julia may halikan at love scene sa ‘Five Break-ups And A Romance’; ipaparamdam ang hugot na, ‘Love is a very complicated thing’

Reggee Bonoan |April 19,2023
facebook
share this

Alden, Julia may halikan at love scene sa ‘Five Break-ups And A Romance’; ipaparamdam ang hugot na, ‘Love is a very complicated thing’

Reggee Bonoan - April 19, 2023 - 09:29 AM

Alden, Julia may halikan at love scene sa 'Five Break-ups And A Romance'; ipaparamdam ang hugot na, 'Love is a very complicated thing'

Alden Richards at Julia Montes

KARUGTONG ito ng isinulat namin kahapon tungkol sa pagsasamahang pelikula nina Alden Richards at Julia Montes, ang “Five Break-ups and A Romance” na ididirek ni Irene Villamor.

Sa naganap na announcement at big reveal kahapon, nasabi nga ni Julia na matagal na niyang napapanood si Alden sa mga proyekto nito sa GMA 7 at talagang nagagalingan siya rito bilang aktor.

At tulad ni Julia, inamin din ni Alden na matagal na rin niyang pinapanood ang aktres sa mga teleserye nito at 2012 pa pala niya sinabing gusto niyang magtrabaho sina pagdating ng panahon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nang tanungin po ako sino ang gusto kong makasama, I mentioned Julia’s name at na-tweet ko, na-post ko po at ‘yung mga fans hinalukay nila wayback 2012 or 2013. At ‘yung mga projects ni Julia na (pinapanood) ay ‘yung latest Doble Kara, Mara Clara at Wayback Home,” kuwento ng aktor.

Akalain mo nga naman walang imposible talaga dahil pagkalipas ng 11 years ay heto at may “Five Break-ups and A Romance” movie na sila at inamin din nito na ibang-iba ang karakter na gagampanan niya kumpara sa mga nagawa na niyang series at pelikula.

“I’ll be playing Lance Sandoval here, so ahhmm what I really like about my character is yun nga, kagaya ng sinasabi ni Direk na we’re used to love stories na very narrative, parang kuwento siya towards na alam mo ang ending.

“Pero ito kasi, it’s more of the reality of a relationship. Kasi in a relationship naman, di ba, minsan from petty to hardcore fights.

“Hindi mo naman dini-divulge in public, e. So ito, bibigyan namin ng buhay yung complications ng relationships in terms of breakups, arguments, misunderstandings etcetera.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“So what we want the audience to see, especially who are in a relationship, and who were in a relationship na, ‘Ay! Nangyari sa amin ‘to.’ ‘Ay! Ako ‘to ngayon.’

“So hopefully with this movie, with characters ahh yun nga, parang gusto namin after sa sinehan, baka may mga exes na magkabalikan.

“Or may mga magkarelasyong magkaaway at that moment na ma-realize nila na, ‘Text ko nga yung partner ko para ayusin namin ‘to. Because at the end of the day it’s always about love, di ba? Love is a very complicated thing,” pahayag ng binata.

Baka Bet Mo: Janine sa relasyong Rayver-Julie Anne: I’m always gonna care about him…whatever makes him happy

Dagdag pa ni Alden, “Sometimes hindi mo na alam if you’re fighting for the right reasons, the right people. But you know, it’s love, e. Yun nga. So with the character that I have now, ito ‘yung isa sa mga karakter ko na very loose. Si Direk Irene let me, ‘Gawin mo lang yung gusto mong gawin.’ Which I appreciate.

“Because, di ba, sometimes, may mga nakakatrabaho tayo na they tell us every single thing na dapat mong gawin when the cameras roll.

“Pero si Direk, papagawa niya how you understood it, and then magre-refine lang kami. Ie-enhance lang namin kung ano yung mga puwed pang i-work on, ma-push forward. So mas loose ito, mas relaxed yung character. Pero mas walang hiya,” sabi ni Alden.

“Dirty” daw siya sa movie na hindi mo iisiping siya iyon at ang paglalarawan pa niya sa kuwento ng pelikula, “f*ck love” o masakit na pagmamahalan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Gagampanan naman ni Julia ang karakter na Justine, “Goal-driven career woman. Siyempre sa ating mga babae, madalas tayong tinatawag na ‘martir.’ So in this film, how can you balance career and love?

“So with love, di ba, we don’t know when to stop. Walang guidelines. Walang mga manual. So, kailan mo ba malalaman kung tama pa ba ang tama, o mali na ba ang mali? So, ayun,” sey ng aktres.

Samantala, sa tanong kung may kissing scenes sila sa movie, sabay natawa ang AlJuls, “Abangan.”

Tinanong namin ang manager ni Julia at isa sa producer ng pelikula na si Erickson Raymundo kung daring o sexy ito at ang sabi niya, “Oo, daring.”

May naringgan din kami na bukod sa kissing scenes ay may bed scenes din ang dalawa kasi nga naman naka-5 break-ups sila alangan namang nagtitigan lang sila sa kalahating dekada ng kanilang relasyon?

Alden, Julia magtatambal sa ‘Five Break-Ups And A Romance’: ‘Gaano ka-complicated? Gaano kahirap at kasarap? Try nating manakit ng 5 beses’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Teddy Corpuz umaming Mama’s Boy na maka-lola pa; LA Santos, Kira Balinger magdyowa na nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending