Xian Lim umaming naging 'stalker' ni Ryza Cenon; makakasama si Alden Richards bilang host ng Miss Universe PH 2023 pageant | Bandera

Xian Lim umaming naging ‘stalker’ ni Ryza Cenon; makakasama si Alden Richards bilang host ng Miss Universe PH 2023 pageant

Ervin Santiago |April 16,2023
facebook
share this

Xian Lim umaming naging ‘stalker’ ni Ryza Cenon; makakasama si Alden Richards bilang host ng Miss Universe PH 2023 pageant

Ervin Santiago - April 16, 2023 - 09:57 AM

Xian Lim umaming naging 'stalker' ni Ryza Cenon; makakasama si Alden Richards bilang host ng Miss Universe PH 2023 pageant

Xian Lim, Ryza Cenon at Fifth Solomon

DIRETSAHANG inamin ng Kapuso actor-director na si Xian Lim na ini-stalk niya ang aktres at celebrity mom na si Ryza Cenon sa social media.

Magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon sina Xian at Ryza sa pelikulang “Sa Muli” under Viva Films na mapapanood na sa mga sinehan simula sa April 26.

Nakachikahan ng BANDERA at ilang members ng entertainment media sina Xian at Ryza sa ginanap na presscon nitong nagdaang Huwebes, April 13, at dito nga nagkaaminan ang dalawa tungkol ginawa nilang paghahanda para sa kanilang project.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kuwento ni Xian, in-stalk talaga niya ang social media account ni Ryza para mas makilala pa niya ito nang mabuti para kapag nagkita na sila sa shooting ay medyo pamilyar na siya sa aktres.

“Yes, talagang in-stalk ko ‘yung social media account niya para magkaroon lang ako ng idea tungkol sa kanya. Kasi ngayon lang kami magkakatrabaho ni Ryza at nakatulong naman ang pang-i-stalk ko sa kanya,” pahayag ng boyfriend ni Kim Chiu.

Ayon naman kay Ryza, nagtanung-tanong daw siya sa kanyang mga kaibigan na kakilala at nakatrabaho na ni Xian. Hindi naman daw niya niya in-stalk ang binata sa socmed account nito.

Baka Bet Mo: Ryza may third eye, ginugulo ng mga multo: Sumigaw talaga ‘ko, ‘pwede ba, magpatulog kayo? Pagod na pagod na ‘ko!’

“Naririnig ko na rin naman ang pangalan ni Xian at nagtanong-tanong ako sa mga kaibigang nakatrabaho na niya kaya kahit paano nagkaroon na ako ng idea sa kanya.

“At true enough tama ‘yung mga narinig ko tungkol sa kanya. Mabait, masarap, katrabaho, at tinutulungan niya ako kapag may mahirap na eksena,” ani Ryza.

Samantala, isang bagong romantic drama mula sa Viva Films ang mapapanood sa mga sinehan, isang pelikulang ipakikita kung paano kumilos ang tadhana at patutunayan  na lahat ng bagay na nakaayon sa iyo ay dumarating sa tamang panahon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Si Pep (Xian) ay isang nobelista na naniniwala sa reincarnation at alam niya na siya ngayon ay nasa pangatlo na niyang buhay. Mayroon siyang mga alaala ng mga dati niyang buhay na ginagamit niya ngayon para makagaw ang mga nobela.

Sa bawat buhay niya at bawat nobelang isinusulat niya ay mababasa ang tungkol sa isang abae, ang soulmate niya na sa kasalukuyang panahon ay nag-reincarnate bilang si Elly (Ryza). Nagpapalit man ang mga pangalan at kung sino sila sa bawat panahon, nararamdaman nila lagi ni Pep kapag nagtatagpo na sila at lagi’t lagi pa rin nila nahahanap ang isa’t isa.

May isang bagay lang na hindi maganda na nangyayari sa lahat ng reincarnation nila, sa tuwing susubkan nilang ipagpatuloy ang love story nilang dalawa, lagi itong nauudlot dahil laging binabawian ng buhay ang babae. Pero ngayon, nangako si Pep na gagawin niya ang lahat para hindi na mangyari iyon.

Ang “Sa Muli” ay idinirek ni Fifth Solomon at mapapanood na sa mga sinehan sa April 26.

Bukod dito, mapapanood din si Xian bilang host sa gaganaping grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2023 pageant kasama si Alden Richards.

Ka-join din ng dalawang Kapuso actors as backstage hosts sina Miss Globe 2021 Maureen Montagne at events organizer Tim Yap.

Magaganap ang Miss Universe Philippines 2023 coronation night sa darating na May 13 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Nanay tips ni Ryza para sa mga nagta-tantrums na baby: Hayaan n’yo muna, wag natin silang pagalitan, pagsabihan o sigawan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ryza Cenon pinagtripan ng netizens, tinawag na ‘ingrata’ at ‘insensitive’ ng bashers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending