Ryza may third eye, ginugulo ng mga multo: Sumigaw talaga 'ko, ‘pwede ba, magpatulog kayo? Pagod na pagod na 'ko!’ | Bandera

Ryza may third eye, ginugulo ng mga multo: Sumigaw talaga ‘ko, ‘pwede ba, magpatulog kayo? Pagod na pagod na ‘ko!’

Ervin Santiago |April 24,2022
facebook
share this

Ryza may third eye, ginugulo ng mga multo: Sumigaw talaga ‘ko, ‘pwede ba, magpatulog kayo? Pagod na pagod na ‘ko!’

Ervin Santiago - April 24, 2022 - 06:33 AM

Ryza Cenon

MATINDI rin pala ang powers ng third eye ng Kapamilya actress at celebrity mom na si Ryza Cenon.

Kuwento ni Ryza sa ginanap na virtual mediacon ng Viva Films para sa kanilang millennial horror-thriller movie na “Rooftop” sa murang edad pa lang siya ay knows na niya ang pagkakaroon ng “ikatlong mata.”

“Bata pa po ako, meron na ako talaga (na third eye). And ‘yung dating tinitirhan ko po na townhouse, may mga nararamdaman at nakikita ako roon.

“May time na galing akong work. Umuwi ako sa bahay, natulog ako, and then, tanghali na siya, biglang may mga tao as in ang dami nila sa room ko.

“Tapos nagtatawanan sila, ganyan-ganyan. Pero nu’ng nagising na ako after that, wala namang tao,” pag-alala ni Ryza.

Sa pangalawang beses naman, narinig niya na tahol daw nang tahol ang alaga niyang aso habang natutulog siya sa kwarto, pero paggising niya ay nasa baba naman daw ito at wala sa kanyang room.

At ang pinakamatinding nangyari sa kanya habang natutulog din ay ang pagsipa raw sa ilalim ng kama niya na tila ayaw talaga siyang patulugin.

“Hanggang sa may isang bata, hinila na ‘yung buhok ko, tumakbo siya. Mga ganu’n. Tapos, ang ginawa ko na lang, sa sobrang gusto ko na talagang matulog, kinausap ko sila.

“Sumigaw ako na ‘pwede ba, magpatulog naman kayo? Pagod na pagod na ako.’ And then after that, tumahimik na sila,” pagbabahagi pa ni Ryza.

Samantala, makalipas nga ang halos tatlong taon, muling mapapanood si Ryza sa pelikula, ito ngang “Rooftop”. Aniya, sobrang na-miss na niya ang pag-arte.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


Matatandaang nagpahinga muna sa showbiz si Ryza nang magbuntis at manganak sa panganay nila ng kanyang partner na si Miguel Cruz noong October, 2020.

Ang “Rooftop” nga ang magsisilbing comeback project niya at in fairness, talagang puring-puri siya ng kanilang direktor na si Yam Laranas.

“First time kong makatrabaho si Direk Yam. As a director, sobrang galing niya. Siya ang nagsulat ng script, siya ang nagdirek, at siya ang director of photography so tatlong trabaho yung ginawa niya.

“At yung production staff mabibilis silang lahat kumilos, so yun naman ang nagustuhan ko,” ani Ryza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ka-join din sa horror barkada movie na “Rooftop” sina Marco, Gumabao, Rhen Escano, Marco Gallo, Ella Cruz, Andrew Muhlach at Epy Quizon. Showing na ito sa April 27 exclusive sa SM Cinemas.

Kim naloka sa pag-angkas kay Xian: Kinabahan ako kasi ang laki-laki ng motor mo parang kabayo!

Francine Diaz: May third eye ako pero ngayon wala na, nagsarado na siya

Jhong Hilario dinala ang anak na si Sarina sa eye hospital, bakit kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending