Ryza Cenon pinagtripan ng netizens, tinawag na 'ingrata' at 'insensitive' ng bashers | Bandera

Ryza Cenon pinagtripan ng netizens, tinawag na ‘ingrata’ at ‘insensitive’ ng bashers

Therese Arceo |February 15,2023
facebook
share this

Ryza Cenon pinagtripan ng netizens, tinawag na ‘ingrata’ at ‘insensitive’ ng bashers

Therese Arceo - February 15, 2023 - 09:45 PM

Ryza Cenon pinagtripan ng netizens, tinawag na 'ingrata' at 'insensitive' ng bashers

MULING naungkat ang larawan noon ng aktres na si Ryza Cenon matapos siyang mapanood sa bagong Kapamilya teleserye na “FPJ’s Ang Batang Quiapo”.

Nag-level up na raw kasi ang aktres dahil tunay na batil na ang hawak nito at hindi na katulad noon na water gun noong gumanap siya sa “Ika-6 na Utos”.

“Nakaluwag luwag na si ante,” saad ng isang netizen kalakip ang collaged photo ni Ryza na may hawak na baril at water gun.

Sinakyan naman ng aktres ang trio ng netizen at ni-retweet ang larawan.

“Yun nga!!!” sabi ni Ryza.

Ngunit may isang basher na umeksena sa masayang kulitan ng aktres at ng ibang netizens.

“Ingrata never kana makakabalik sa GMA,” sabi ng basher.

Sagot ni Ryza, “Move on na tayo. Freelance po ako ano issue natin? Happy [heart’s] day!”

At kanina nga ay may umaway na naman sa aktres na ibinahagi rin niya sa Twitter.

Banat ng basher kay Ryza, “Wow ha ni share mo talaga yung meme sa Twitter about sa character mo sa GMA & ABS. Hindi mo ata alam na nag cause nanaman yan ng network war sa fans, ayon sa fb nag away nanaman mga tards.

“As far as I know, walang sinabing masama sayo ang gma pati na rin ang mga kapuso fan. Ngayon ka na nga lang namin naramdaman, tas ganun pa ginawa mo? Insensitive. Ang laki ng improvement ng GMA sa mga teleseryes tas babalikan pa yung dati. pwee!”

“KJ yarn? Una sa lahat mukha ko pinagtatawanan nyo sa mga memes nyo. Wala rin akong sinabi masama sa GMA. Kesa mastress ako,kagaya mo e maki ride nalang ako para happy lang.

Wala naman akong tinatapakan,sa totoo lang sarili ko nga tinatawanan ko e.Kasi ako yung nakalagay. Uy 2023 na ibahin mo na mind set mo,” sey ni Ryza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Babala ni Ryza Cenon sa mga mahilig magbiro: Don’t do bad pranks, huwag mam-bully ng kapwa

Nanay tips ni Ryza para sa mga nagta-tantrums na baby: Hayaan n’yo muna, wag natin silang pagalitan, pagsabihan o sigawan

Ryza Cenon kontra sa mga prank na nauuwi sa bullying; may panawagan sa magbabarkada na mahilig ‘mag-trip’

Ryza Cenon araw-araw natatakot bilang ina ni Night: May time nahulog siya sa kama, umiiyak din ako tapos sorry ako nang sorry sa kanya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending