Coco pinatay ilang karakter sa Batang Quiapo, big stars pasok ngayong 2025
MARAMING mga bagong karakter ang ipakililala sa mga susunod na episode ng top-rating primetime action drama ni Coco Martin na “FPJ’s Batang Quiapo” ngayong 2025.
Bilang bahagi ng ika-3 anibersaryo ng hit series ni Coco, maraming nakalinyang pasabog ang programa para sa mga manonood, kabilang na nga riyan ang pagpasok ng naglalakihang Kapamilya stars.
“Dream cast. ‘Yung tamang combination, ‘yung sa original cast, paano ninyo sila napagsama-sama.
“Medyo meron pa kaming inaayos. Kasi ‘yung iba may mga schedules. Hindi tayo papasok sa panibagong kwento o characters na hindi makakatulong sa show, sa characters o sa kwento,” ang pahayag ng Teleserye King sa panayam ng ABS-CBN.
Baka Bet Mo: Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?
Ayaw munang pangalanan ni Coco kung sinu-sinong artista ang papasok sa pagsisimula ng 3rd anniversary ng “Batang Quiapo” pero nagbitaw siya ng pangako na mga viewers talaga ang panalo rito.
“Gusto namin kapag nanood ka, parang ibang show na ‘yung pinapanood namin. Parang pilot pa lang, parang nagsisimula pa lang sila,” ani Coco.
View this post on Instagram
Nitong nagdaang January 6 nagsimula ang first taping day ng “Batang Quiapo” para sa taong 2025 at kahit na nakakapagod ang whole day na pagtatrabaho, masayang-masaya pa rin ang buong production.
“Ramdam na ramdan namin na punung-puno ng blessings. First taping namin nu’ng January 6, ang bigat agad. Talagang bugbugan, parang hindi ako huminga.
“Pagdilat ko, walang pahinga. Talagang pagod. Pag-uwi ko kahapon, talagang bakit hirap na hirap ako, pagod na pagod kaming lahat pero sulit kasi alam naming maganda yung kinunan namin.
“Iisa kayo ng hangarin na mapaganda ‘yung show,” aniya pa.
Sa nakaraang episode ng serye ay ilang main characters na ang pinatay, kabilang na ang award-winning actress na si Irma Adlawan, na siyang gumaganap na Olga.
“2025, sabi ko talaga pagpasok ng taon ipinangako ko sa viewers na walang Pasko, walang Bagong Taon. Dire-diretso ‘yan.
“Yung totoong flow, alam naman natin na kapag gumagawa ka ng teleserye pagpasok kakambyuhin mo ‘yun kasi walang mga tao, walang nanonood. Kami hindi. Kahit Pasko at Bagong Taon, yung kwento nasa peak.
“Ginalaw ko na ‘yung bawat character, ito na talaga ‘yung mga revelations. Kasi may mga papasok na bagong characters,” pahayag pa ni Coco sa naturang interview.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.