Lovi Poe handang handa para sa 'FPJ’s Batang Quiapo', nakipaglaro ng poolan kay Coco Martin | Bandera

Lovi Poe handang handa para sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’, nakipaglaro ng poolan kay Coco Martin

Reggee Bonoan - January 26, 2023 - 06:26 PM

Lovi Poe handang handa para sa 'FPJ’s Batang Quiapo', nakipaglaro ng poolan kay Coco Martin
PINASILIP na ni Lovi Poe by posting sa Instagram account ang training na ginagawa niya bilang paghahanda sa gagampanan niyang karakter sa upcoming TV series na “FPJ’s Batang Quiapo” kasama si Coco Martin.

Sa media launch kasi ng pre-valentine show na “Some Kind of Valentine” na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa darating na Feb 3 and 4 ay nabanggit ni Lovi na may sarili na siyang training na ginagawa pero hindi pa puwedeng sabihin kung ano dahil wala pa sigurong go signal ang production ng FPJBQ.

At ngayon ay nag-post na ang singer/actress ng video na nagpa-praktis siya ng Muay Thai.

Ang caption ni Lovi, “Day 1 of my Muay Thai grind at @getinthelabph
#LoviYourBody.”

May netizen na nag-komento @stephen_david_belden, “lovi that kick is ridiculous wtf

Sinagot ito ng dalaga, “@stephen_david_belden to do a flying kick is the goal.”

Sumunot na video post ay praktis niya ng paninipa, “Pa smile-smile pero mamatay matay sa muay thai (hey that rhymed!). After many rounds of Coach decides to give me this “finisher” kaya #LawitDila and wala na sa form.
#LoviYourBody Tip: Huwag masyado maging honest kay coach sa pag lamon during the holidays or else.”

Paglalaro ng pool ang ibinahagi ni Lovi sa kanyang IG sa unang araw ng taping nila ni Coco para sa “FPJ’s Batang Quiapo ngayong araw. Tinuturuan siya ng aktor/direktors kung paano maglaro.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)

 

Ang caption ng aktres, “First day high (emoji heart). Unang araw po ng taping namin magkasama ni @cocomartin_ph! Masayang balik-taping at set life. Achievement unlocked din…natututo tayo maglaro ng poolan. More lessons please, Coco. LOL May tips poe ba kayo diyan? #BatangQuiapo.”

Ang ganda ni Lovi at bumata si Coco sab ago niyang gupit ngayon, huh. Akala namin ay kami lang ang nakapansing bagay na bagay ang dalawa at nang mabasa namin ang mga komento ay ganito rin ang sinasabi at excited nang mapanood ang series.

Parehong ‘taken’ na ang dalawa kaya nakakatuwa na marami pa ring nagsabing bagay sila.

Related Chika:
Confirmed: Coco Martin, Lovi Poe magtatambal sa remake ng ‘Batang Quiapo’ nina FPJ at Maricel

Coco muling nakilahok Pista Ng Itim na Nazareno, isinabay na ang taping para sa ‘Batang Quiapo’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hugot ni Lovi Poe: Ang grab delivery ngayon parang chismis…

Coco sinigurong magkaiba ang atake sa Batang Quiapo at Probinsyano: ‘Kailangan nating makipagsabayan sa international’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending