Hugot ni Lovi Poe: Ang grab delivery ngayon parang chismis... | Bandera

Hugot ni Lovi Poe: Ang grab delivery ngayon parang chismis…

Therese Arceo |December 26,2022
facebook
share this

Hugot ni Lovi Poe: Ang grab delivery ngayon parang chismis…

Therese Arceo - December 26, 2022 - 02:08 PM

Hugot ni Lovi Poe: Ang grab delivery ngayon parang chismis...

ALIW na aliw ang mga netizens sa naging hugot ng Kapamilya actress na si Lovi Poe.

Dahil nga Christmas rush at napakaraming mga tao ang naghahabol sa last minute shopping ay abalang-abala ang daan at marami sa mga online app delivery ay marami ang hirap maka-book.

At isa nga si Lovi sa mga madlang pipol na tila hirap na hirap na makanap ng delivery rider para sa kanyang order.

Nitong December 24, napahugot na nga lang ang aktres sa kanyang Twitter account dahil sa kahirapan na makapag-book online.

“Ang grab delivery ngayon parang chismis… walang gustong mag-confirm,” tweet ni Lovi.

Marami naman ang mga naka-relate na madlang pipol sa hugot ng aktres at napahugot na rin.

“Parang tricycle din ‘yan dati sila ang lalapit sa’yo pero dahil marami na silang pasahero lalampasan ka nila kahit kaway-kaway ka pa. That’s the reality. Demand and Supply lang ‘yan,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Same haha… actually pati mga store din Kaya walang masyadong delivery.”

Isang delivery rider naman ang nag-comment rin sa tweet ni Lovi.

“Im a rider. Halos po kasi lahat ng delivery rider ay nasa kanilang pamilya kaya po konti lang po ako ang nagrreceive ng delivery,” sabi ng netizen.

True naman dahil marahil ay marami ang abala rin sa kanilang pagluluto at pag-aayos para sa Pasko kaya naman kakaunti lang ang riders available para mag-take ng mga bookings.

Related Chika:
Lovi Poe biglang na-conscious kay Piolo, bakit kaya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Confirmed: Coco Martin, Lovi Poe magtatambal sa remake ng ‘Batang Quiapo’ nina FPJ at Maricel

Lovi Poe bet gumawa ng aksyonserye, may hindi makalilimutang eksena kasama si Piolo

Lovi Poe ‘sinasaniban’ ni FPJ kapag sumasabak sa maaaksyong eksena; ‘Flower of Evil’ hahataw na sa free TV

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending