Lovi Poe bet gumawa ng aksyonserye, may hindi makalilimutang eksena kasama si Piolo
“EVER since dream ko talagang maka-trabaho si Coco (Martin), JM De Guzman, Jericho Rosales, Daniel (Padilla) and of course gusto ko uling maka-trabaho si Zanjoe (Marudo). Nakatrabaho ko na siya sa Malaya (2020), I love Malaya,” ito ang limang aktor na pangarap maging leading man ni Lovi Poe.
Sa ginanap na vloggers presscon ni Lovi para sa TV series na “Flower of Evil” na napapanood na ngayon sa primetime sa Kapamilya network ay natanong ang aktres kung sino pa ang mga gusto niyang maging leading man after Piolo Pascual.
Sabi ng host ng presscon na si Erik John Salut ay maraming binanggit si Lovi na gusto niyang maka-trabaho na Kapamilya actors during the meeting for her next TV series at ang mga pangalang nabanggit ang nasa top of her head.
Hindi naman nagbigay ng detalye si Lovi kung ano ang next project niya sa ABS-CBN under Dreamscape Entertainment at abangan na lang dahil tiyak na ia-announce naman ito soon.
Pero nagsabi raw ang dalaga sa management na gusto niyang gumawa ng action series o movies at gusto niyang gawin ang pelikula “Ang Panday”, ang 1980 film ng papa niyang si Fernando Poe, Jr. Hari ng Aksyon ang tawag kay FPJ bagay na gustong subukan ni Lovi.
“Siguro nasa dugo talaga kasi nga matagal ko ng gustong gumawa ng mga ganitong klaseng eksena and a part of me that I feel it has something to do with him,” saad ng dalaga.
Samantala, unang project pala ni Lovi ang “Flower of Evil” sa ABS-CBN simula nang lumipat siya at nasundan ng iWantTFC originals, “Sleep with Me” kasama si Janine Gutierrez.
Natanong namin kung ano ang mga eksenang hindi niya makakalimutan sa series nila ni Papa P at bakit.
“Ang dami, but my most favorite scene, siguro I would have to say was ‘yung pool scene. ‘Yung nag-dive si Iris (karakter niya) para i-save si Jacob (Piolo) sa underwater.
“Siguro kasi we shot it like three days, madugong-madugo ‘yung pag film namin doon because there was one time na we had to do it nan aka-harness ako without the water tapos there was a another day na underwater talaga and talagang nakaka-stress kasi si Papa P nasa ilalim siya ng tubig at binibigyan na lang siya ng oxygen sa ilalim ng nakatali talaga siya ro’n.
View this post on Instagram
“So, it was very stressful for me because I had to untie him and all. Doon mo makikita kung gaano ka=dedicate sa trabaho ang lahat even our cameramen who had to shoot under water as well, so, it’s just like everything was memorable to me kasi doon mo makikita lahat was game to do it,” paglalarawan ng aktres sa ginawa niyang eksena sa ilalim ng tubig.
Hindi raw inasahan ni Lovi na may mga ganitong eksena siyang gagawin pero natandaan niya ang sinabi sa kanya ng direktor na maghanda siya.
“Maghanda ako because ‘yun nga marami akong gagawin na iba-ibang shots. Iyon din kasi ang ikinaganda ng Flower of Evil nakita ko kung paano in-elevate ang style of filming the series kasi bawa’t detalye talaga they made sure that they covered everything,”paliwanag ni Lovi.
Dito sa bansa mag-spend ng Pasko at Bagong Taon si Lovi dahil naubos na yata ang bakasyon niya at ayaw na rin siyang payagan ng management.
“I’ll be celebrating Christmas here and we’ll see (kung dadating sa bansa ang boyfriend niya) because he’s also very busy there, malalaman ninyo if he’s here,” sagot ng aktres.
Sa tanong namin kung pinag-uusapan na nila ang kasal ng boyfriend niyang si Monty Blencowe.
“No-no, right now I’m still I wanna focus muna sa work because I’m opening another chapter which is another TV something I’m gonna doing, I’m just very excited to focus on that,” paliwanag ni Lovi.
Relatged Chika:
Lovi todo pasalamat sa GMA 7 ngayong magiging Kapamilya na: Hindi po biro ang 15 years!
Bakit maluha-luha si Denise Laurel habang pinupuri si Lovi Poe sa presscon ng ‘Flower Of Evil’?
Lovi Poe ‘sinita’ ng dyowa nang mahuling sweet-sweetan kay Piolo Pascual
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.