Lovi todo pasalamat sa GMA 7 ngayong magiging Kapamilya na: Hindi po biro ang 15 years! | Bandera

Lovi todo pasalamat sa GMA 7 ngayong magiging Kapamilya na: Hindi po biro ang 15 years!

Ervin Santiago |September 16,2021
facebook
share this

Lovi todo pasalamat sa GMA 7 ngayong magiging Kapamilya na: Hindi po biro ang 15 years!

Ervin Santiago - September 16, 2021 - 10:59 AM

Lovi Poe

SA gitna ng balitang opisyal nang iwe-welcome ngayong araw ng ABS-CBN si Lovi Poe, nagpasalamat naman ng bonggang-bongga ang aktres sa GMA 7.

Nag-post ang dalaga sa Instagram at Twitter ng isang mensahe ng pasasalamat sa Kapuso Network na naging tahanan niya sa loob ng 15 years.

Ibinahagi ni Lovi sa kanyang social media followers ang isang publicity photo na kuha sa ginawa niyang drama series sa GMA, ang “Someone To Watch Over Me.”

Hindi man diretsahang sinabi ni Lovi na aalis na siya sa GMA 7, pero ang paniwala nga ng netizens ito na ang goodbye message niya para sa kanyang mother network dahil lilipat na nga ito sa ibang istasyon.

Mensahe ni Lovi, “Hindi po biro ang 15 years. I would like to thank GMA for taking a chance on this unknown dreamer; for believing in me and supporting me all these years.

“I have utmost respect and gratitude to the network that has given me my roots and a heart full of memories,” simulang pahayag ni Lovi.

Aniya pa, “Thank you for planting my dreams. Thank you for giving it time, love and effort to water it.

“Punong puno ng pagmamahal at pasasalamat, Lovi Poe,” sabi pa niya.

Inaasahang ngayong hapon ang bonggang pagpapakilala ng ABS-CBN kay Lovi bilang bagong Kapamilya kasabay ng gagawing announcement sa pagbabalik ni Piolo Pascual sa nasabing istasyon.

Ayon sa chika, posibleng sina Lovi at Piolo raw ang magtatambal para sa unang proyekto ng dating Kapuso actress sa ABS-CBN. Totoo nga kaya na isa si Papa P sa rason kung bakit finally ay napapayag na si Lovi na lumipat sa Kapamilya network?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending