Ryza Cenon araw-araw natatakot bilang ina ni Night: May time nahulog siya sa kama, umiiyak din ako tapos sorry ako nang sorry sa kanya | Bandera

Ryza Cenon araw-araw natatakot bilang ina ni Night: May time nahulog siya sa kama, umiiyak din ako tapos sorry ako nang sorry sa kanya

Ervin Santiago - June 19, 2022 - 07:21 AM

Ryza Cenon, Miguel Cruz at Baby Night

DIRETSAHANG inamin ng aktres at celebrity mom na si Ryza Cenon na nangalawang ang kanyang talento sa pag-arte makalipas ang halos tatlong taong pamamahinga.

Sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, talagang nag-concentrate lang siya sa pagiging ina sa panganay niyang anak na si Night at hindi tumanggap ng kahit anong acting projects.

Sa katunayan, inatake raw siya ng matinding takot at nerbiyos nang may matanggap na offer para sa isang espesyal na episode ng “Maalaala Ko Kaya” ng ABS-CBN.

“Super! Sobra kasi three years na rin and hindi pa rin ako nakakapag-taping or nakaka-try mag-work as in,” ani Ryza nang tanungin kung nangalawang nga ba siya sa pag-arte sa naganap na digital mediacon para sa suspense-horror movie niyang “Rooftop” under Viva Films last June 15.

“Right now nga may offer sa akin ang MMK so kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung kaya ko pa. So parang feeling ko, ah, ‘Okay, back to zero.’ Feeling ko parang baguhang artista ako uli,” pag-amin ni Ryza.

Samantala, natanong din ang aktres kung may mga limitations na siya ngayon sa  pagtanggap ng sexy at daring roles sa pelikula ngayong may baby na siya.

“Hindi naman siguro. May iba, like yung super sexy talaga, hindi ko talaga siya kayang gawin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


“But if meron sa script na kailangan siya and maganda naman yung mapag-uusapan namin ng direktor open naman akong gumawa ng sexy pero hindi yung all out,” aniya.

Ngayong nanay na siya, inamin ni Ryza na nakakaramdam na rin siya ng takot lalo pa’t lumalaki na ang anak niyang si Night.

“Oo naman po. Everyday nakakaramadam ako ng takot. Minsan, feeling ko hindi ko nagagawa nang tama yung pagiging ina.

“And ngayong toddler na si Night, mas nakakatakot kasi ang likot-likot na niya. May time nahulog siya sa kama.

“Umiiyak din ako tapos sorry ako nang sorry sa kanya. Siguro ang biggest fear ko bilang first time mom ko, eh, yung hindi ko magawa nang tama yung pagpapalaki sa kanya,” sey ng aktres.

Speaking of takot, kahit paano raw ay nabawasan ang nararamdamang nerbiyos sa pagbabalik niya sa pag-arte matapos makatanggap ng magagandang review mula sa mga nakapanood na ng “Rooftop”.

“Siyempre, yung expectation talagang mataas at natatakot ako na baka hindi ko siya ma-deliver nang tama dahil biglaan akong pinasok o sumalo doon sa karakter du’n sa movie na hindi naman talaga ako dapat kasama doon pero sinalo ko kasi. So, medyo na-pressure ako doon kasi konti lang yung time ko para pag-aralan yung karakter ko.

“And sobrang nakakatuwa naman na naging maganda yung reviews. Kumbaga, nagbunga yung pinaghirapan at yung maliit na oras na talagang binigay ko para pag-aralan yung karakter,” chika ni Ryza.

Napanood na namin ang “Rooftop” sa SM Cinema nang makasali ito sa Asian Horror Festival ilang linggo na ang nakararaan at in fairness, siguradong magugustuhan ito ng mga mahihig sa horror at suspense.

Ito’y mula direksyon ni Yam Laranas at pwede nang ulit-ulitin sa number one local streaming app sa bansa, ang Vivamax. Kasama rin dito sina Marco Gumabao, Ella Cruz, Rhen Escano, Andrew Muhlach, Marco Gallo, Epy Quizon at Allan Paule.

https://bandera.inquirer.net/311696/babala-ni-ryza-cenon-sa-mga-mahilig-magbiro-dont-do-bad-pranks-huwag-mam-bully-ng-kapwa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/311883/rooftop-nina-ryza-marco-ella-at-epy-perfect-sa-2022-asian-horror-filmfest-direk-yam-tagumpay-sa-pananakot
https://bandera.inquirer.net/313883/ryza-cenon-sa-pagiging-ina-matutulala-ka-na-lang-sa-pagod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending