Janine sa relasyong Rayver-Julie Anne: I'm always gonna care about him...whatever makes him happy | Bandera

Janine sa relasyong Rayver-Julie Anne: I’m always gonna care about him…whatever makes him happy

Ervin Santiago |March 01,2022
facebook
share this

Janine sa relasyong Rayver-Julie Anne: I’m always gonna care about him…whatever makes him happy

Ervin Santiago - March 01, 2022 - 08:15 AM

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez at Paulo Avelino

MUKHANG naka-move on na pareho ang ex-showbiz couple Janine Gutierrez at Rayver Cruz sa kanilang kontrobersyal na break-up ilang buwan na ngayon ang nakalilipas.

Ayon kay Rayver, happy naman siya ngayon sa pagiging single kahit na may mga nagsasabing may “something” na sa pagitan nila ng kapwa Kapuso na si Julie Anne San Jose.

Si Janine naman ay wala pang denial o kumpirmasyon kung sila na ba talaga ni Paulo Avelino matapos silang magtambal sa nagtapos nang Kapamilya romcom series na “Marry Me Marry You.”

May mga ulat na si Janine ang nakipaghiwalay kay Rayver pero wala raw talagang third party involved. Pumasok daw sa eksena si Paulo pagkatapos mag-break sina Janine at Rayver.

Sa isang interview, natanong si Janine kung ano ang masasabi niya sa balitang may mutual understanding na sina Rayver at Julie Anne.

“Whatever makes him happy, I just want him happy always talaga. I’m always gonna care about him,” ang diretsong sabi ni Janine patungkol kay Rayver.

View this post on Instagram

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)


Siniguro rin ng dalaga na hindi sila magkaaway ng kanyang ex-dyowa,  “Hindi pa kami nagkikita uli, pero okay naman kami. I always wish him the best and I’m always rooting for him talaga.”

Sa tanong naman kung totoo ang chikang in-unfollow niya si Julie Anne sa Instagram, ang tanging nasabi niya habang tumatawa, “Ay!”

At sa tanong kung kumusta na sila ngayon ni Paulo, “Well, I’m happy that we are close. We have always been close naman.

“Mas naging close lang kami after ng teleserye and after working together sa ABS,” sey pa ni Janine.

Malakas na tawa naman ang isinagot ni Janine sa tanong kung nanliligaw na ba si Paulo sa kanya at kung may pag-asa ba ito. 

“We super get along with each other. We’ll see what will happen. Siya na lang tanungin ninyo, but I really enjoy spending time with him and talking to him,” ang tanging tugon ng dalaga.

Inamin din niya na tuloy pa rin ang komunikasyon nila ni Paulo kahit tapos na ang kanilang serye. Pati na rin ang iba pa nilang co-actors tulad nina Adrian Lindayag, Cherry Pie Picache at Edu Manzano.

“Actually, lahat kami nagkikita, sila Adrian, Ms. Pie, Tito Edu, so ayun. Everybody stays in touch,” sabi pa ng dalaga.

Samantala, ibinalita rin ni Janine na may bago na siyang mga projects sa ABS-CBN after ng “Marry Me, Marry You”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yes, we just wrapped filming yung Sleep With Me with Lovi Poe, iWant series siya, katatapos lang namin. Mayroon din akong teleserye, but I don’t think I can share it yet, so abangan na lang nila,” sabi pa ni Janine.

Rayver na-shock, natulala nang makita ang bonggang design ng bagong bahay

Rayver sumusumpang walang third party sa breakup nila ni Janine; nagkakamabutihan na ba sila ni Julie Anne?

Diego tikom pa rin ang bibig sa break-up nila ni Barbie; US trip malaking tulong sa mental health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending