Kim Chiu hindi na-ghosting ng 2 ex: Nagpaalam naman sila nang maayos!

Xian Lim, Kim Chiu at Gerald Anderson
LAUGH kami nang laugh sa mga punchline ng Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu kapag natatanong tungkol sa usaping pakikipagrelasyon.
In fairness, maraming rebelasyon si Kim sa naganap na presscon ng unang pelikula nila ni Paulo Avelino, ang “My Love Will Make You Disappear” mula sa Star Cinema.
Isa na nga rito ang naging sagot niya nang tanungin kung naranasan na ba niya ang ma-ghosting ng mga naging boyfriend niya.
“Hindi kasi ako na-ghosting. Nagpaalam naman sila nang maayos!” ang natawang hirit na sagot ng dalaga.
Sey ng aktres at “It’s Showtime” host, nagkaroon naman daw sila ng closure ng mga dating naging boyfriend.
Baka Bet Mo: Melai nalito kay Jennica, ka-terno kasi ang mantel: ‘Ang dami kong ka-uri!’
“Sabi nila, ‘Kim, alis na kami! Ha-hahaha!” ang sabi pa ng dalaga. Nagpaalam naman sila.”
Hindi man binanggit ni Kim kung sino ang mga nakarelasyon niya, open book naman ang naging relasyon niya sa mga aktor na sina Gerald Anderson (2006-2010) at Xian Lim (2012-2023).
Sabi pa ni Kim naniniwala siya sa kasabihang, “Rejection is redirection.”
View this post on Instagram
Tinukso naman siya ng mga co-stars sa “My Love Will Make You Disappear”, “Redirection to?” Na ang tinutukoy ay ang rumored boyfriend niyang si Paulo Avelino.
Akmang ituturo sana niya si Paulo na katabi niya sa presscon pero hindi niya itinuloy, sabay tingin sa ibang direksyon kaya nagtawanan ang press people at ang kanilang fans na naimbitahan sa event.
Natanong din si Kim kung bakit hindi dapat sukuan ang pag-ibig lalo na raw at “very experienced” na siya pagdating sa pakikipagrelasyon.
“Grabe naman yung ‘sobrang experienced na,’ ilan lang naman dyowa ko, dalawa lang sila. Wooo! Walang comparison!” ani Kim.
Pagpapatuloy niya, “Kasi love naman ay isang bagay na nararamdaman natin. Di siya nabibili. Kahit sobrang trabaho mo, kahit sobrang mabait kang tao, di naman siya kusang binibigay. Ine-experience siya.
“Saka part siya ng pagkatao natin. Pag nagmahal tayo, masaya tayo, pag nagmahal tayo malungkot tayo. Madami binibigay sa ating ating emotions that make us human.
“Hindi lang dapat sukuan ang love. Wag mag-close ng doors. Dahil di man siya dumating ngayon, malay niyo bukas, or malay niyo katabi niyo lang. Charot!” biro ni Kim na ang katabi nga ay si Paulo.
Pero sabi ni Kim may hangganan din naman ang pakikipaglaban sa larangan ng pag-ibig, “Siyempre pag niloko ka, mag-disappear ka na.
“Kasi, ano? Tatanga-tanga ka na lang? Di ba? Pag niloko ka, iwan mo na. Kasi prioritize yourself. Self-love muna. Sabi nga nila, kung di mo mahal ang sarili mo, hahayaan mo lang na paulit-ulit kang sinasaktan,” ang punto ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.