EXCLUSIVE: Julia ibinandera na perfect match sila ni Coco, magpapakasal na?
ANG ganda-ganda ni Julia Montes nang dumalo siya sa mediacon ng TV series na “Saving Grace” sa Dolphy Theater ng ABS-CBN at napansin ito ng karamihan.
Kaya naman sa solo interview namin sa kanya pagkatapos ng mediacon ay sinabi naming blooming siya at halatang in-love na ikinakilig naman ng aktres sabay ngiti.
Pebrero ginanap ang mediacon kaya tinanong namin kung kumusta ang Valentine’s Day niya with Coco Martin.
“Masaya, siguro po ito ‘yung isa sa thankful at happy na Valentine’s Day, 2025. I can say best kasi po iba talaga ‘yung happiness ngayon, ang sarap sa pakiramdam na mayroon kang kasama sa buhay na maayos siyempre, tapos suportado ka sa lahat ng dreams mo.
Baka Bet Mo: Promise ni Coco kay Julia Montes: Ako na bahala sa ‘yo, arbor na kita!
“Nandiyan lagi nakasuporta through ups and downs, so, ang sarap lang. Everyday is Valentine’s Day, ‘yun naman ang usapan namin. ‘Yung mase-celebrate mo together du’n sa taong mahal mo, siyempre ang sarap sa pakiramdam,” pagtatapat ni Julia.
Paano naging best ang 2025? Ang mga nakaraang taon ba ay hindi?
“Masaya rin po pero mas thankful ako ngayon kasi may reminiscing factor kada taon na kumusta ang naging 2024 ‘yung ganu’n factor.
“Ito po (2025) masasabi kong stronger kasi siya ang bestfriend ko, eh, confidant ko. Kung baga okay na ako na walang kasamang tropa, sorry guys (sabi sa mga kasamang staff) okay na kaming dalawa lang magkasama, kape-kape lang, ‘yung simple joy at ito ‘yung pinagpapasalamat ko,” paliwanag ni Julia.
Saan nila ito ipinagdiwang? “Sa bahay lang,” kaswal na sabi ng aktres.
Dagdag pa, “Sa bahay lang kasi may work talaga siya nu’ng Valentine pero siya kasi ‘yung taong laging hindi nakakalimot sa bulaklak. Bago pa siya dumating may pa-bulaklak na surprise kasi nga mahilig ako sa flowers na Tulips po, kasi ‘yung sa movie namin.”
Memorable ang Tulips kay Julia dahil sa Holland sila nag-shoot ng unang pelikula nila ni Coco na “A Moment in Time” taong 2013 na idinirek ni Manny Palo and distributed by Star Cinema.
Sa pagpapatuloy ni Julia, “So ganu’n po hindi siya nakakalimot tapos may letter siya ro’n after work ‘yun na simple dinner lang kami na ako nagluto. Pero kung wala siyang work mage-effort kaming mag-set up sa bahay may mga ganu’n factors din, but this time simple lang at mas na-appreciate ko.
“At hindi ko na rin siya pine-pressure mag-isip kasi alam kong pagod din siya sa work. So, ‘yung usap na ‘yun, sobrang happy ko na mababaw ang kaligayahan ko, eh. Ha-hahaha!”
At dahil open naman na sina Coco at Julia sa kanilang relasyon at hindi na rin naman sila mga bagets pa kaya ang sunod na tanong namin ay kung may plano nang i-level up ang kanilang relasyon.
“Ako, kasi po ‘yung gusto ko munang i-enjoy ang mga bagay-bagay. Happy ako at suwerte ako na may kapartner sa buhay na ganu’n na sobrang…totoo ‘yung sinasabi nila, eh, na para akong nagkaroon ng tatay, kapatid, bestfriend lahat ng missing link sa buhay ko growing up sa industry.
“Tapos hindi naman maiiwasan na may mga problems ka sa buhay, siya ‘yung naging kapitan (kinakapitan) ko, kung baga without him siguro hindi ko alam kung ganito ako kaayos,” pagtatapat ng aktres.
Sabi namin, maayos naman siya dati dahil guided naman siya ng lola at namamahala ng karera niya.
“Opo, pero may guidance niya, eh, saka ang blessed ko lang talaga. Hindi ko sinasabing perfect kasi wala naming perfect na relationship pero kami masasabi kong perfect match kasi ‘yung weakness ko, ‘yun naman ang strength niya at kung ano naman ‘yung (kulang) ano niya, ‘yun naman ang napupunan ko, duo kami talaga,” paliwanag ni Julia.
Hayan, alam na kung bakit blooming si Julia dahil super happy ang lovelife niya. Sa part two nang panayam namin ang plano nila ni Coco sa hinaharap.
Samantala, isa pang ikinasasaya ng aktres ay nagagawa niya ang gusto niyang gawin pagdating sa trabaho dahil hindi siya pinagbabawalan ni Coco.
Nakikita kasi ng aktor na nag-eenjoy si Julia sa harap ng kamera at marami pa siyang gustong karakter na gampanan tulad ng role niya sa “Saving Grace: The Untold Story.”
Kinidnap ni Anna (Julia) ang estudyante niyang si Grace (Zia) nang malaman niya ang pang-aabusong natatanggap nito mula sa sariling in ana may malalim na dahilan pala.
Kasama ni Julia sa serye sina Jennica Garcia, Janice De Belen, Elisse Joson, Sam Milby at Sharon Cuneta. Mapapanood ito sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.