Charlie Dizon kinumpirma na ang relasyon kay Carlo Aquino: Opo, boyfriend ko po | Bandera

Charlie Dizon kinumpirma na ang relasyon kay Carlo Aquino: Opo, boyfriend ko po

Therese Arceo |July 22,2023
facebook
share this

Charlie Dizon kinumpirma na ang relasyon kay Carlo Aquino: Opo, boyfriend ko po

Therese Arceo - July 22, 2023 - 02:15 PM

Charlie Dizon kinumpirma na ang relasyon kay Carlo Aquino: Opo, boyfriend ko po
NADULAS ang Kapamilya actress na si Charlie Dizon at napaamin sa tunay na estado nila ng aktor na si Carlo Aquino.

Sa kanyang naging guesting sa TV5 morning show na “Gud Morning Kapatid” noong Huwebes, July 20, 2023.

Sa bandang huli kasi ng tanungan kina Charlie kasama ang co-actor na si Joseph Marco para sa promotion ng kanilang bagong teleserye na “Pira-Pirasong Langit” ay may mga pictures na ipinakita sa screen.

Naunang ipakita ang picture ng Russian model-influencer na si Dasha Romanova, ang girlfriend ni Joseph.

Sunos naman na ipinakita ay ang larawan ni Carlo kung saan napa-react si Charlie.

“Opo, boyfriend ko po siya,” nakangiting saad ng dalaga.

Baka Bet Mo: Carlo nakiusap sa bashers nila ni Charlie: ‘May mga taong naninira… sana respeto na lang’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Mukha namang nabigla si Charlie sa hindi sinasadyang rebelasyon, “Ay, first time ko sinabi sa inyo yan.”

Natanong naman ang dalaga kung paano sila nag-click ni Carlo.

“Paano nag-click? Di ko alam, e, kasi makuwento talaga akong tao. Tapos siya yung tahimik, so siguro dun, na-balance,” sagot ni Charlie.

Matatandaang noong December 2022 nang unang umugong ang balitang may something sa pagitan ng dalawa.

Ito ay matapos mag-post ng larawan ni Charlie katabi si Carlo at ng iba pang non-showbiz friends ng dalaga.

Mas lalo long napatanong ang netizens kung ano ang real score nang maispatan ang dalawa sa La Union kasama ang pamilya ng aktor.

Bago si Charlie ay nakarelasyon muna ni Carlo ang modelong si Trina at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang baby girl na si Mithi.

Noong Huwebes rin nang ma-experience ng dalaga na maging Star Patroller.

“It was a surreal experience, thank you so much TV Patrol,” sey ni Charlie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Charlie Dizon palaban, walang inuurungan; game na game magpaka-daring

Charlie Dizon laging bigay-todo sa aktingan: Ayokong may pagsisihan ako sa mga projects na ginawa ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending